DepEd kailangan ng 10K titser sa 2023

Plano ng Department of Education (DepEd) na punan ang kakulangan sa mga guro na aabot sa 10,000 upang patuloy na maipatupad ang learning continuity program (LCP) sa kabila ng new normal at physical distancing protocols.
Una nang hinikayat ng Alliance of Concerned Teachers (ACT-Philippines) ang DepEd na kumuha ng 10,000 guro base sa 2022 National Expenditure Program bago mag-Nobyembre.
Ayon kay ACT Philippines secretary general Raymond Basilio, kailangan pa ng mas marami pang guro dahil hindi uubra ang mahigit 800,000 na nagtuturo sa 28 milyong estudyante sa bansa.
Nabatid na naglaan ng malaking porsyento ang DepEd sa pondo para sa hiring ng karagdagang mga guro.
Magkakaroon ng online job interviews para sa mga nais na maging guro. (Vick Aquino)
The post DepEd kailangan ng 10K titser sa 2023 first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/9X2fTGZ
via IFTTT
Comments
Post a Comment