DOH kabado sa face mask diskarte ng Cebu: PH bumaba COVID immunity

Wala pang balak si Department of Health (DOH) officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ipatigil ang pagsusuot ng face mask dahil hindi pa ganap ang kaligtasan ng bansa sa COVID-19.
Sinabi ni Vergeire sa isang media forum na dapat na mag-`stabilize’ muna ang mga kaso ng coronavirus bago ipatanggal ang face mask.
“Kailangan po nakita natin stable na po yong mga kaso dito sa ating bansa. When we say stable, nakikita natin acceptable na poyong mga bilang ng mga kaso sa atin,” ani Vergeire
Wala pa aniya sa endemic stage ang COVID-19 sa bansa.
“When we talk about endemic stage, ang ibig sabihin niyan ang mga kaso ay stable na at pangalawa mataas ang immunity ng population,” ayon kay Vergeire.
Idinadag pa nito na hindi pa rin naaabot ng gobyerno ang target sa pagbabakuna at mayroong ebidensiya na bumababa ang immunity ng populasyon laban sa COVID-19.
“And there is evidence na nagpapakita na mukhang bumababa na yong immunity ng ating populasyon. So kailanganyong safeguards natin, nandyan pa rin hanggang makita natin na mataas na `yong immunity ng population,” dagdag ni Vergeire.
Samantala, kabado si Vergeire sa non-obligatory policy ni Cebu City Mayor Michael Rama sa pagsusuot ng face mask at nagbabala na maaaring gayahin ito ng ibang lokal na pamahalaan
“Kung ang local government po ang magpapatupad at magsasabi voluntary na lang, baka po talagang very risky because other constituents might follow at magkaroon ng mas mataas na risk of infection diyan sa kanilang lugar,” giit ni Vergeire.
Dapat aniyang sumunod ang mga lokal na pamahalaan sa mandato ng national government. (Juliet de Loza-Cudia)
from Abante https://ift.tt/ywHAM7O
via IFTTT
Comments
Post a Comment