Fajardo, Gilas mag-aamuyan
MAGTATAKTAK ng kalawang at sebo ang ilan sa mga miyembro ng Pilipinas national men’s basketball pool sa balik-training ngayong Lunes ng gabi sa Meralco Pasig gym bilang paghahanda sa 19th International Basketball Federation 2023 Asian Qualifier November window.
Umpisa alas-8:00 ng gabi-alas-10:00 ng gabi ang ensayo ng na pangungunahan nina six-time Philippine Basketball Association Most Vluable Player June Mar Fajardo at reigning PBA MVP Earl Scottie Thompson.
“This isn’t just for the November 10 and 13 window, it’s also looking forward to the 2023 FIBA World Cup,” ani Samahang basketbol ng Pilipinas deputy executive director Butch Antonio nitong Sabado.
Ang kada Lunes na ensayo ay upang maihanda ang mga bubuo sa Gilas sa sandali na mapili para sumabak sa aksyon sa tuwing may tawag ng tungkulin para sa bansa, kabilang ang FIBA World Cup window sa Jordan at sa Saudi sa Nobyembre.
Tatlong University Athletic Association of the Philippines sa katauhan nina Carl Tamayo ng UP, Kevin Quiambao ng La Salle at Ange Kouame ng Ateneo ang kabilang sa mga inimbitahan sa praktis.
Inayos rin ang 47th PBA Commissioner’s Cup 2022 na mabubukas sa Setyembre 21 para bigyang-daan ang mga manlalaro mula sa tatlong club – San Miguel Beer, Barangay Ginebra San Migual at TNT – na makapagsanay sa training squad.
‘Di makakasabak si Jordan Clarkson para sa PH quintet kontra Jordanians at Arabians. (Lito Oredo)
The post Fajardo, Gilas mag-aamuyan first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/Dr9Qfaq
via IFTTT
Comments
Post a Comment