Jaime ‘lagare’ sa London

NAISINGIT pa rin ni 2019 Southeast Asian Games karateka gold medalist Jamie Christine Lim ang libreng oras para mag-workout kahit na abala ito sa pagkuha ng kanyang Master’s Degree sa London, England.
Kasalukuyang kumukuha ng Master’s in Business Analytics sa Imperial College Business School ang 25-anyos na national karateka matapos magtapos ng Summa Cum Laude sa University of the Philippines sa kursong Bachelor of Science in Math.
Makukunsiderang isa sa mga pinakamahuhusay na business school sa United Kingdom ang pinasukang eskwelahan ni Lim, na ika-13th na European business school noong 2019-2020 at pinabuksan ni Queen Elizabeth II taong 2004.
Sapol nang lumipad ang 2021 SEA Games double bronze medalist sa Hanoi, Vietnam noong huling linggo ng Agosto, naantala ang pagbibigay ng oras nito para mag-workout sa isang gym sa London.
“First workout in London. Let’s go!!” saad ni Lim sa kanyang Instagram post.
Matatandaang hindi pinalad ang 2021 Asian Championships silver medalist sa women’s under-61kgs karateka na makalampas kay Nguyen Thi Ngoan ng Vietnam sa iskor na 2-7 sa second round ng Vietnam meet.
Bumawi ito sa 1-0 panalo kay Murugeesan Matthivani ng Malaysia sa bronze medal match upang makuha ang unang medalya sa bagong weight category, kung saan nagwagi siya ng ginto sa women’s +61kgs division sa bansa noong 2019 edition.
Nakuha naman nito ang ikalawang tanso sa women’s team kumite kasama sina Junna Tsukii, Mae Soriano at Remon Misu. (Gerard Arce)
The post Jaime ‘lagare’ sa London first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/FwZKGma
via IFTTT
Comments
Post a Comment