Jaime walastik sa pigeon racing

HINAHANGAAN at icon sa pag-aalaga ng kalapati, isa sa mga madalas manalo sa pigeon racing tournaments ng malalaking club sa Pilipinas si Jaime Lim.

Bata pa lang si Lim ay nag-aalaga na siya ng hayop at high school ay nagsimula naman itong mahilig sa kalapati noong binigyan siya ng kanyang lola ng native na ibon.

Ikinuwento ni Lim kay Ka Rex Cayanong, host ng Kalapati Sports, na naging masaya at inalagaan niya ng mabuti ang bigay na kalapati ng kanyang lola.

“Kakaibang saya ang naramdaman ko sa kalapati na ibinigay sa akin, hanggang sa bumili ako ng magagandang kalapti na pang-karera,” kuwento ni Lim.

Isiniwalat din ni Lim sa Kalapati Sports ang pagbigay din ng kanyang uncle ng magagandang kalapating pang-racing.

“Early 80s binigyan ako ng uncle ko ng pang-karera kaya doon na rin ako nakasali sa mga tournaments, exciting, challenging kaya 44 years na ako mahigit sa pigeon sport,” saad ni Lim.

Naging kampeon sa Pigeon Clubs tulad ng Philippine Homing Association (PHA), sumikat kay Lim ang kanyang pambatong ‘Crack 52’ at ‘Flying Machine’.

Nagbigay naman ng menshe si Lim sa mga nais maging kampeon tulad niya na dapat mula Day 1 hanggang sa araw ng laban ay ikinukundisyon ang pangarerang kalapati.

“Kailangan may proper exercise, training at pagpapainom ng vitamins para malaki ang tsansang manalo ng kalapati natin, ” ani Lim.

Sa kabuuan ng interview ng Kalapati Sports ay panoorin ito sa YouTube Channel. (Elech Dawa)

The post Jaime walastik sa pigeon racing first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/HZMdQ9V
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada