Janice inalay ‘Sugat sa Dugo’ sa mga AIDS victim

Walang kayabang-yabang si Janice de Belen, na sinasabi niya, na hindi siya kampante, o hindi niya puwedeng sabihin na magaling siyang artista, na bawat proyektong gagawin niya ay may katumbas na award.
Gulat na gulat nga si Janice nang manalo siya ng best actress award sa festival sa Manhattan dahil sa pelikulang ‘Sugat Sa Dugo’.
Katuwa nga si Janice, na palaging kinukontra kapag sinasabihan siyang magaling siyang artista noon pa man.
“Ayokong sabihin ‘yon. Hindi ko alam. Hindi naman siguro,” sabi niya.
Pero sa ‘Sugat Sa Dugo’ na puro baguhan ang kasama niya, tulad nina Khai Florez, Shira Tweg, hindi ba siya nagdalawang isip?
“Noong in-offer sa akin ito ni Bambbi (Fuentes), hindi ko alam dahil pandemic, na gusto ko ring ipaalam na may iba pang sakit na dapat isipin. Baka nakakalimutan lang ng mga tao.
“Marami akong kakilala na puwedeng magkaroon ng ganito,” sabi ni Janice.
Ang ‘Sugat Sa Dugo’ ay tungkol sa AIDS. At gusto ngang ipaalam ni Janice, na nandito pa rin ang sakit na ito, na dapat pag-ingatan.
“May message ang movie na gusto kong malaman ng mga to. So, dapat panoorin nila. Para ito sa mga may AIDS, sa mga kakilala natin na puwedeng magkaroon ng AIDS.
“With regards sa mga baguhan, galing din naman ako sa pagiging pangit ang acting. Siyempre napi-feel ko kapag nai-intimidate sila. I try to help them also. Kasi ako rin ang mahihirapan pag hindi ko sila tinulungan.”
Maraming beses na nga raw niyang naranasan na nahirapan siyang kaeksena ang mga baguhan.
“Maraming beses. Pero hindi ako nagagalit. Nagagalit lang ako pag ano… Basta nakikita kitang nagta-try, walang problema. Pero kapag nakita kong nag-iinarte ka, lumalabas muna ako. Sinasabi ko tawagin na lang ako pag okey na.
“Pag nagti-take 5 na kami, after matapos, ini-explain ko sa kanila,” sabi na lang ni Janice. (Dondon Sermino)
from Abante https://ift.tt/y6PqoaI
via IFTTT
Comments
Post a Comment