John ‘di bet lumaya sa face mask

Dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng tinatamaan ng COVID-19 virus sa bansa, niluwagan na ng gobyerno ang ilang health protocols, kabilang na ang pagsusuot ng face mask. Hindi na nga mandatory ang pagsusuot nito maliban na lang kung nasa mataong lugar.

Sa kabila ng tila magandang balitang ito, hindi pa rin kampante si Kapamilya actor John Arcilla. Patuloy pa rin umano siyang magsusuot ng face mask.

“May regulasyon man o wala ay pipiliin kong siguraduhin na ligtas ang aking sarili sa virus at isaalang-alang ang kalusugan ng iba lalo na ang mga matatanda at pamilyang uuwian ko. Isusuot ko ang face mask sa labas man o loob ng gusali maliban sa sarili kong tahanan para pangalagaan ang lahat,” ayon sa post ni John sa kanyang Instagram.

Noong kasagsagan ng pandemya, ilang kamag-anak ni John ang nasawi dahil sa virus na ito, gaya ng kanyang kapatid. Kaya marahil sa sobrang traumatic nito sa kanya, mas lalo siyang naging health-conscious.

“Mas higit na ayaw kong magdusa sa pagkakasakit o bawian ng buhay ang mga mahal ko maging ang aking sarili, kaysa magbakasakali at hubarin ang face mask na panangggalang ko sa kahit anumang uri ng virus o sakit na maaari kong masagap at maikalat sa mga tao na uuwi rin sa kani-kanilang pamilya.

“Hindi kalayaan ang itaya ang sarili sa peligro,” punto pa ni John.

Mala-Hen. Antonio Luna nga ang dating ng mensahe ni John, dahil iconic na ang kanyang pagganap sa naturang bayani.
“Negosyo o kalayaan? Bayan o sarili? Pumili ka!” mga linya ni John sa “Heneral Luna.

Kumbaga, mas pipiliin niyang huwag lumaya sa tanikala ng face mask para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya. (Batuts Lopez)

The post John ‘di bet lumaya sa face mask first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/7LfZyMH
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada