John natuwa sa kumontra, pumitik sa ALLTV

Hinukay mula sa baul ng Kapamilya Online World (kowalerts) ang naging pahayag noon ng former ANC boss na si Jing Magsaysay tungkol sa mga nagtatangkang kunin ang frequency ng ABS-CBN. Ito ay matapos na mag-launch na ang ALLTV, bagong gumagamit ng naturang naturang frequency o channel 2.

“You can get the franchise but you will never be ABS-CBN,” pagdidiin ng social media arm sa kanilang Instagram post. Ito ay mula sa pahayag ni Magsaysay noong kasagsagan ng mga haka-haka sa kung sino na ang gagamit ng dati nilang frequency.

“A frequency is just a frequency. Content creation is a whole different ball game. Plus, I hope they realize that the audience does not come with the frequency.

“You’re going to have to work blood, sweat and tears to build what ABS-CBN accomplished over 34 years plus the years before Marcos stole the channel. You can get the franchise but you will never be ABS-CBN,” ayon sa pahayag noon ng ex-ANC boss.

Bakas sa mga nagkomento sa post ng kowalerts na galit sila sa gobyerno, lalo na sa mga Marcos na ngayon nga ay nakabalik na sa Malacañang.

“Content is still king! Wherever ABS-CBN go, we will be there! Forever a Kapamilya,” ayon pa sa post ng KOW.

Kapansin-pansin naman ang pag-like ni Kapamilya veteran actor John Arcilla sa naturang post. Nakilala si John sa “Ang Probinsyano” ni Coco Martin bilang si Renato Hipolito at kinasusuklaman na kontrabida sa teleserye.

Sikat din si Arcilla sa mahusay nitong pagganap as Antonio Luna, sa pelikulang “Heneral Luna” kung saan pinakita niya kung gaano kabagsik ang naturang bayani. (Batuts Lopez)

The post John natuwa sa kumontra, pumitik sa ALLTV first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/nrKFClu
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada