Koko: Rodriguez pa-drama effect sa sugar probe

Mistulang may pa-drama effect pa umano si Executive Sec. Vic Rodriquez sa pagharap nito sa isinagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Comittee kaugnay sa naunsyaming importasyon ng 300,000 metric tons ng asukal.

Ayon ito kay Senate Minority Leader Koko Pimentel na dismayado sa hindi pagsipot ng kalihim sa pagdinig sa dahilang dumalo sa Cabinet meeting.

“Parang ginawa niyang drama ang appearance sa Blue Ribbon ‘di naman niya kailangan gawing dramatic ‘yan,” ayon kay Pimentel.

Si Rodriquez ang idiniin ng mga dating opisyal ng SRA na nagbigay umano ng go signal na mag-angkat ng asukal at alam umano ito ni Pa-ngulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ayon pa sa Senador, naunawaaan naman niyang maraming trabaho ang isang executive secretay ngunit marami naman umanong paraan para makadalo at makalahok sa pagdinig tulad ng online.

Giit ng senador, maraming dapat sagutin si Rodriguez at kung wala naman umanong itinatago ay walang dahilan para matakot ito sa pagtatanong sa kanya.

Dahil dito, pag-uusapan umano ng komite sa darating na Martes upang klaruhin kung ano ang maaring gawing kompormiso upang hindi na hahantong sa pag-iisyu ng subpoena. (Eralyn Prado)

The post Koko: Rodriguez pa-drama effect sa sugar probe first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/qvGakCR
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada