Kumampi sa PNP: MILF tutugisin killer ng Ampatuan Police chief

Nangako ang liderato ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na tutulungan nila ang Philippine National Police (PNP) sa pagtugis­ sa mga miyembro ng Bangsamo­ro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na responsable sa pana­nambang at pagpatay sa hepe ng Ampatuan Police at isa nitong tauhan sa Maguindanao noong nakaraang buwan.

Ayon kay BARMM Chief Minister Ahod ‘Murad’ Ebrahim, suportado ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang inilunsad ng PNP na manhunt laban sa mga natukoy nilang may pa­kana ng nasabing krimen.

Sinabi ni Ebrahim na pinuno ng central committee ng MILF na sinsero sila sa hangad nilang kapayapaan sa rehiyon nang lumagda siya sa hiwalay na peace pacts sa gobyerno, 2012 Framework Agreement on Bangsamoro at 2014 Comprehensive Agreement on Bangsamoro dahil ito aniya ang nagbigay daan para maisabatas ang Bangsamoro Organic Law na charter ng BARMM, Nagsimula ang operasyon nito noong 2019.

Iginiit ni Ebrahim na hindi nila kukunsintihin ang mga nagkasalang mi­yembro ng BIFF na breakaway faction ng MILF at may operasyon sa Ma­guindanao.

Nauna nang kinumpirma ni PNP chief General Rodilfo Azurin Jr. na ka- grupo nina commander Boy Jacket at Abdulnasser Guianid ang anim na rumatrat kina Ampatuan Police Chief Lt. Reynaldo Samson at drayber nito na si Police Corporal Salipudin Endab noong Agosto 30. Kasama rin sa grupo ang tatlong pulis na sugatan sa insidente.

May warrant of arrest aniya ang anim na suspek at puspusan na ang pagtugis sa mga ito.

The post Kumampi sa PNP: MILF tutugisin killer ng Ampatuan Police chief first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/4DCTyPE
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada