Limang Uri ng Makabagong Mamimili na Makikita sa SM

Nagdulot man ang pandemya ng pagbabago sa ating mga kinagisnan, masasabi natin na nagbigay-daan ito upang mabago ang ating mga nakagawian. Ang dati nating buhay na kinakailangang mabilis pa sa alas-kwatro ay napalitan ng pamumuhay na nagbibigay ng oportunidad sa atin na makapagmuni-muni at gawin ang mga hilig natin tulad ng pagtatanim, pagpapa lakas ng katawan, paglikha, pagbe-bake, at iba pa.
Dahil dito, hangarin ng SM na maging daan upang madiskubre natin ang mga bago nating kahihiligan, o sumubok ng mga bagong mapaglilibangan.
Tunghayan natin ang mga makabagong uri ng mamimili na ating makakasalamuha sa ating pamimili at pamamasyal sa SM.
Plantita
Ang ginhawang idinudulot sa tuwing umuuwi sa malahardin na bakuran pagkatapos ng mahabang araw na paggawa, ay isa sa mga dahilan kung bakit ang mga plantita ay nahuhumaling sa pag-aalaga at pagpaparami ng mga halaman. Maging Gen Z man, baguhang empleyado, o masinop na maybahay na naghahanap ng bagong mapaglilibangan.
Tuwing mamimili, hindi nakakalimutan ng Plantita na dumaan sa mga tindahan sa SM gaya ng Ace Hardware, Home Section ng The SM Store, at SM Greenery Center. Hindi din pinalalampas ang pagkakataon na makadaan sa mga Plant Hubs, upang makakuha ng bagong inspirasyon para sa kanilang hardin.
Fitness Buff
Ang pagpapahalaga sa pansarili at pangkabuuang kalusugan ang naging impluwensya ng mga Fitness Buff. Ito ay dulot ng mahaba-habang panahon nang hindi paglabas sa bahay dahil sa pandemya. Nagbigay ito ng daan sa mga Fitness Buff para pag tuunan nila ng pansin ang kanilang kalusugan, na para sa kanila ay higit na mahalaga. Dahil dito, nang magluwag na ang lockdown, naglilibang sila sa pamamagitan ng pagbisita sa gym o pagbibisikleta sa labas ng bahay.
Bilang sukli sa kanilang dedikasyon, binibigyang oras nila ang pagdayo sa SM Sports Central, Toby’s, at Decathlon; para tumingin ng mga bagong gamit pang-ehersisyo na may mga tatak tulad ng Nike, Adidas, at Reebok na makatutulong sa kanila upang makamit nila ang kanilang goals na ilang buwan na din nilang pinaghandaan.
Baker
Ang pagbe-bake ay isang natatanging kakayahan na nakapagbibigay ng pagkakataon sa bawat isa na maipakita ang kanilang pagiging malikhain at pagpapahalaga sa mga taong mahal nila.
Kaya naman ang mga Baker ay napapadpad sa mga bilihan tulad ng SM Supermarket, The SM Store, I Did It Myself, Do It Yourself (IDIM DIY) Bakery, at All About Baking para makapamili ng mga bagong kagamitang panluto at pinakasariwang mga sangkap para sa kanilang panibagong obra na ihahanda para sa kanilang mga mahal sa buhay.
Homebody
Ang pamilya, pag-aaruga sa mga pets, at pagkakaroon ng maayos na tahanan ang mga pangunahing bagay na nagpapa-ikot sa buhay ng mga Homebody. Ito ay nagsimula nang mapalayo sila sa buhay-opisina at pagiging motorista o pasahero, na nagbigay-daan naman upang mabigyang pansin nila ang mga tunay na mahalaga sa kanila.
Karaniwang pampalipas oras ng mga Homebody ang bumuo ng mga bagong konsepto ng pagkakaayos ng bahay nila. Kapag sila ay lumalabas, pumupunta sila sa mga bilihan tulad ng Our Home, Crate and Barrel, Kultura, Great Image, at Papemelroti upang bumili ng mga bagay na lalong magpapamalas hindi lamang ng kanilang husay sa pagdidisenyo, kundi pati na rin ng buhay-pamilya nila. Lahat ng ito ginagawa nila para maipakita na ang kanilang bahay ay isang tahanan na puno ng pagmamahal.
Crafter
Laruan, alahas, o muwebles man yan, walang hindi kayang gawin ang mga crafter! Ang pang ubos-oras noong lockdown ay naging libangan na ngayon at naging sideline pa nga ng ilang mga tao
Tuwing naghahanap ng inspirasyon ang mga crafter, naglalaan sila ng oras upang ikutin ang iba’t-ibang pamilihan sa SM para makahanap ng pwede nilang maging susunod na obra.
Anong bago sa SM?
Kailan lang ay itinampok ng SM Supermalls ang pinaka bago nitong logo na naghuhudyat ng mga pinakabagong handog at higit na kapana-panabik na mga karanasan para sa bawat bibisita. Likhain ang mga susunod ninyong viral TikTok video sa mga TikTok booths, mamasyal kasama ng buong pamilya sa Sky Ranch, at huwag ding kalimutang kumuha ng mga group shot kasama naman ang buong barkada sa mga IG spot sa inyong mga paboritong SM mall.
Kaya’t tara na at sama-samang magsaya at tuklasin ang bagong sarili sa SM. Dahil sa SM, siguradong nandito ang lahat nang hinahanap nyo!
Maging una sa impormasyon ukol sa mga kaganapan sa SM Supermalls. Bumisita sa www.smsupermalls.com at i-follow ang @smsupermalls sa social media.
The post Limang Uri ng Makabagong Mamimili na Makikita sa SM first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/G40j2W7
via IFTTT
Comments
Post a Comment