Malacañang sa mga PR: Talamak na fake news labanan

Hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga public relations practitioner sa bansa na maging alyado ng gobyerno para labanan ang paglaganap ng fake news.

Inihayag ito ng pangulo sa pamamagitan ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na kumatawan sa kanya sa ginanap na 2022 National Public Relations Congress noong Huwebes.

“The President… urges you to join the government in fighting against the proliferation of misinformation and disinformation through inclusive, compassionate and responsible communication,” sabi ni Angeles.

Tinukoy ng kalihim ang “One Messaging Policy” ng administrasyon na layuning pigilan ang pagkalat ng mga fake news sa pamamagitan ng masusing ugnayan ng mga ahensiya sa ilalim ng executive branch.

“In this pivotal period in our history, all of us in the field of communications, play an essential role in helping our people and country regain the momentum we lost,” ayon pa kay Angeles. (Prince Golez)

The post Malacañang sa mga PR: Talamak na fake news labanan first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/FBzjv5M
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada