Malixi reyna

Nagsilbi na lang seremonya sa lakad ng tagumpay para kay amateur Rianne Mikhaela Malixi Biyernes ng hapon ang final round ng ICTSI (International Container Terminal Services, Inc.) Valley Golf Challenge nang kumpletuhin ang dominanteng 13-palong panalo laban kay Chihiro Ikeda habang walang presyur na halos sinelyuhan na iyon sa second round pa lang nu’ng Huwebes.

Dehins na sagabal ang unang dalawang bogey ng 15-anyos na rising star sa unang dalawang butas dahil sa patuloy na pangangapa ng mga karibal na propesyonal sa mapaghamong Valley South sa Antipolo, pero nang kumayod na ang national team member, binawi iyon sa dalawang birdie sa pang-12 at pang-15 butas bago pa nakadalawang bogey uli pa-74.

“It was hard – my tee shots almost always landed on a bad lie or under the trees. But I was able to make good recoveries with my iron game and putting. But I enjoyed the week,” lahad ng ICTSI-backed ace, sa pangatlong korona niya sa Ladies Philippine Golf Tour sa tapos ng 2021 sa Midlands at sa Luisita sa kick off ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc.-organized circuit nito lang Marso.

May 77 para sa 15-over 231 si Ikeda sa pagsolo sa segunda at top P101,250 purse, ungos kina Harmie Constantino Nicole Constantino at Gretchen Villacencio na nagsosyo sa tersera. (Ramil Cruz)

The post Malixi reyna first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/BG8MqLb
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada