Nutribun, ‘pack of hope’ meal hinirit na gawing relief food

Hinirit ng Department of Science and Technology (DOST) ang pamamahagi ng nutribun at tinawag nilang ‘pack of hope’ meal bilang relief food sa mga biktima ng kalamidad sa bansa.

Ayon kay DOST Secretary Renato Solidum Jr., mas masustansya ang nutribun at ‘pack of hope’ meal na binubuo ng chicken arrozcaldo, tinapa at kanin at nilagang kamote para sa mga biktima ng kalamidad na nanghihina.

Aniya, nakikipag-usap na sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa maramihang produksyon nito para sa malawak na pamamahagi ng mga ito bilang relief food.

Naniniwala rin si Solidum na malaking tulong sa nutritional program ng mga lokal na pamahalaan at ng Department of Education (DepEd) ang pagkain ng nutribun, mga ready-to-eat food at ready-to-drink technology ng DOST.

Magbibigay din aniya ito ng trabaho para sa maraming Pinoy sakaling maisakatuparan ang kanilang program.

The post Nutribun, ‘pack of hope’ meal hinirit na gawing relief food first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/gbXOwDf
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada