Obstacle Sports swak sa 2022 Batang Pinoy

MULING mabibigyan ng pagkakataon ang mga batang atleta na maipakita ang kanilang galing sa larangan ng sports sa pagbabalik ng Batang Pinoy 2022 na gaganapin sa Vigan Ilocos Sur sa Disyembre 4-10.
Matapos ang dalawang taon, muling bubuksan ng Philippine sports Commission (PSC) ang kanilang premyadong grassroot sports program na Batang Pinoy, kung saan sa pagkakataong ito ay tampok ang Obstacle Course Sports bilang demo sports.
“Natutuwa po kami at pinayagan po kami ng PSC na maging bahagi ng Batang Pinoy 2022 Edition bilang demo sports,” pahayag ni Philippin Obstacle Sports Federation (POSF) President Alberto “Al” Agra sa kanyang pagdalo sa lingguhang People, Sports, Conversation ng PSC, Huwebes ng hapon.
Si Agra ang presidente ng Philippine Obstacle Sports Federation (POSF), kasama sina Batang Pinoy Secretariat Technical head na si Annie Ruiz at BP Facilities head na si Mylene Leyba ay nagkwento tungkol sa pagkakasama ng nasabing sports sa naturang torneo na kabibilangan ng mga batang atleta dala ang kani-kanilang mga Local Government Unit (LGU).
Ayon kay Ruiz, kabuuang 17 sports ang nakatakdang ilaro sa darating na kompetisyon kung saan siyam dito ay lalaruin ng face-to-face at ang pito ay gagawin sa pamamagitan ng virtual games.
“May 17 sports tayo na ilalaro this edition of Batang Pinoy. Actually hinati namin po sa face-to-face and virtual games. Medyo madugo po pero lahat naman po kayang gawan ng paraan ng PSC para sa mga batang atleta po natin,” pahayag ni Ruiz.
Kabilang ang Obstacle sports sa mga lalaruin ng face-to-face kung saan ayon pa kay Agra ay nagkaloob sila ng Obatcle box sa PSC na gagamitin sa mismong event sa Disyembre. (Annie Abad)
The post Obstacle Sports swak sa 2022 Batang Pinoy first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/pmUMPAN
via IFTTT
Comments
Post a Comment