Obstacle Sports swak sa 2022 Batang Pinoy

ISA ang obstacle sports sa SEA Games ang mapagkukuhanan ng maraming gintong medalya kaya naman kailangan maghubog ang Pilipinas ng mga atleta para ipanlaban sa mga interntional competition.

At dahil magiging demonstration sport ang obstacle course race sa Philippine National Youth Games-Batang Pinoy sa Disyembre 4-10 sa Vigan City, Ilocos Sur ay inaasahang makakakita ang Philippine Sports Commission (PSC) ng may potensiyal na batang atleta.

Hinihikayat ni Pilipinas Obstacle Sports Federation (POSF) President Alberto Agra ang mga kabataan na sumali sa obstacle sports upang maipakita ang kanilang husay.

“Inaanyayahan ko na sumali ang lahat, it teaches everyone to be resilient and to be able to conquer their obstacles and conquer themselves,” ani Agra nang maging panauhin siya sa naganap na ‘People Sports Conversation’ program ng PSC.

Sinabi rin ni Agra na magdo-donate ng obstacle course box para magamit ng PSC sa Batang Pinoy.

Ang labanan sa obstacle sports ay face-to-face kasama ang archery, athletics, badminton, chess, cycling, table tennis, swimming at weightlifting. (Elech Dawa)

The post Obstacle Sports swak sa 2022 Batang Pinoy first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/Fgvjw4J
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada