Oczon, Saint Benilde reresbakan Perpetual

Mga laro ngayong araw: (FilOil EcoOil Centre)
12:00nn — Perpetual vs CSB
3:00pm — Lyceum vs EAC

SUSUBUKANG maipaghiganti ni Miguel Andre Oczon ang De La Salle-College of St. Benilde Blazers kontra sa nagpatalsik sa kanila patungong Final Four noong nagdaang season na University of Perpetual Hel System Dalta Altas 98th National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City Martes ng hapon.

Nagbabaga ang opensiba ng 22-anyos na ikalawang taong lumalaro sa Taft-based squad kasunod ng paglipat galing National University Bulldogs noong isang taon.

Bumira ito ng game-high 25 puntos sa 7-of-14 shooting at 7-of-7 sa free throw line para ibigay ang 2-0 marka sa Saint Benilde laban sa San Sebastian College-Recoletos Stags noong Sabado, 100-94.

Maghaharap ang CSB Blazers at Perpetual Altas (1-1) sa pambungad na laro sa alas-12:00 ng tanghali, habang susundan ng panurpresang Lyceum of the Philippines University Pirates (2-1) at kulelat na season-host Emilio Aguinaldo College Generals (0-3) sa alas-3:00 ng hapon.

Matatandaang nilaglag ng Altas ang Benilde sa fourth seed playoff na parte ng play-in stage nung Mayo 4 na nagtapos sa 76-64, para tapusin ang kampanya ng CSB sa masaklap na karanasan matapos makuha ang 4th place sa pagtatapos ng eliminasyon sa 5-4 kartada.

“With Migs, I’m not surprised at all. He’s the hardest working player on our team. He routinely wakes up everyday and gets hundreds of shots everyday. And what he did today, I guess (we) trust his work, he puts in the work, he earns his minutes out there. He made shots and that’s why we got him here,” wika ni CSB assistant coach Paolo Layug patungkol sa magandang performance ng Batang Gilas Youth alumni. (Gerard Arce)

The post Oczon, Saint Benilde reresbakan Perpetual first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/apcRFKB
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada