PCC hinigpitan bentahan ng kompanya

Obligado ang mga kompanyang magkakabentahan o bibili ng iba pang mga kompanya na itimbre ito sa Philippine Competition Commission (PCC) kung nasa P2.5 bilyon ang halaga ng parent company ng isa sa mga kasama sa transaksiyon o kung ang kita at mga ari-arian ng bibilhin ay P6.1 bilyon.

Ayon sa PCC, ang mga bagong threshold ng size of party transaksyon na P2.5 bilyon o size of transaction na P6.1 bilyon ay epektibo na kahapon.

Dalawang taong nasa P50 bilyon ang threshold sa tinatawag na compulsory notification dahil sa Bayanihan 2 na natapos na nitong Setyembre 15.

Kinuwenta ng PCC ang bagong threshold kung saan ginamit nitong basehan ang nominal gross domestic product growth o ang paglago ng ekonomiya, kasama na ang pag-urong nito nang magkaroon ng pandemya.

Para sa mga kompanyang magkakabentahan o magkakabilihan na hindi sakop ng P50 bilyong threshold dahil sa Bayanihan 2 ay maaaring hingin ang kompirmasyon ng PCC at magsumite ng kanilang mga kasunduan na pinirmahan bago mag-Setyembre 16 kasama ng kanilang Letter of Non-Coverage. (Eileen Mencias)

The post PCC hinigpitan bentahan ng kompanya first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/0P3xt2F
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada