‘Rainbow lumitaw sa palasyo’ Queen Elizabeth II pumanaw na

Pumanaw na ang longest-serving monarch ng United Kingdom na si Queen Elizabeth II sa edad na 96 sa Scottish estate nito sa Balmoral.

Umupong reyna si Queen Elizabeth II noong 1952 at umabot ng 70 years ang pagiging reyna niya sa UK.

Ang susunod na uupo sa trono ay ang kanyang panganay na tatawagin na bilang King Charles III.

Noong pumanaw ang reyna, nakapaligid ang buong pamilya sa kanya. Tinawag ito ni King Charles na “moment of great sadness’ para sa kanila at sa maraming tao sa buong mundo na minahal ang reyna.

Sey ni King Charles: “We mourn profoundly the passing of a cherished sovereign and a much-loved mother. I know her loss will be deeply felt throughout the country, the realms and the Commonwealth, and by countless people around the world. We would be comforted and sustained by our knowledge of the respect and deep affection in which the Queen was so widely held”.

Babalik sa London si King Charles at ang kanyang wife na si Camilla, na Queen Consort na ngayon, sa Buckingham Palace para i-address ang nation.

Araw ng Huwebes (September 8) nang sabihin ng mga doktor sa pamilya na “very concerning” na ang kalusugan ng reyna. Nilagay na nila ito under medical supervision at sinabihan na ang lahat ng anak ng reyna na pumunta na sila sa Balmoral kunsaan naroon ang reyna. Present din ang mga apo nitong sina Prince William at Prince Harry.

Sa labas ng Buckingham Palace in London, nagtipon ang maraming tao noong mabalitaan nilang pumanaw na ang kanilang reyna. Isang makulay na rainbow naman ang biglang lumitaw sa ibabaw ng Buckingham Palace.

The Queen was born Elizabeth Alexandra Mary Windsor, in Mayfair, London, on 21 April 1926.

Elizabeth’s father became King George VI and, at age 10, Lilibet, as she was known in the family, became heir to the throne.
Elizabeth was crowned at Westminster Abbey on 2 June 1953, aged 27, in front of a then-record TV audience estimated at more than 20 million people.

Kinasal siya sa kanyang third cousin na si Philip, Prince of Greece, na nagse-serve noon sa Royal Navy, sa Westminster Abbey on 20 November 1947. Binigyan si Philip ng titulong Duke of Edinburgh.
After 74 years of marriage, pumanaw si Philip noong 2021 sa edad na 99. He was longest-serving consort in British history in 2009.
Mga naging anak nila ay sina Charles, Princess Anne, Prince Andrew, at Prince Edward. Merong eight grandchildren and 12 great-grandchildren ang reyna. (Ruel Mendoza)

The post ‘Rainbow lumitaw sa palasyo’ Queen Elizabeth II pumanaw na first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/RmdJoBQ
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada