Senado sisilipin pagdami ng may HIV, batang buntis

Isang resolusyon ang inihain ni Senador Win Gatchalian upang masuri ng Senado ang paglobo ng mga kaso ng maagang pagbubuntis at Human Immunodeficiency Virus (HIV) infection sa kabataan.

Ayon sa United Nations Population Fund (UNFPA), ang maagang pagbubuntis ay dulot ng kawalan o kakulangan ng access sa impormasyon at reproductive health care. Ayon pa sa UNFPA, madalas hindi nakakatapos ng high school ang kabataang nabuntis bago ang edad 18.

Sa paghain ng Proposed Senate Resolution No. 13, binigyang-diin ni Gatchalian ang kahalagahan ng pagrepaso sa polisiya ng Comprehensive Sexuality Education at malaman kung epek¬tibo ang pagpapatupad nito. Maliban sa pagpigil sa pagdami ng mga kaso ng teenage pregnancy at HIV infection, binigyang-diin ni Gatcha¬lian ang kahalagahan ng paggabay sa mga mag-aaral tungo sa kasarinlan at pagiging produktibong mga kasapi ng lipunan.

Pinuna ni Gatchalian na simula 2010, ang average share o bahagi ng mga teenage pregnancy sa kabuuang bilang ng mga pagbubuntis ay umakyat sa 28%. Mula 2000-2009, ang naitalang bilang ay nasa 21.5%.

Resulta rin ng kawalan ng kaalaman ang paglobo ng mga kaso ng HIV, lalo na’t nagiging dulot ito ng pakikipagtalik nang walang contraceptives. Mula 1984 hanggang Marso 2019, nasa 65,463 na ang mga kaso ng HIV, 31% rito ay mga kalalakihang may edad 15 hanggang 24 na nag-aaral pa.

The post Senado sisilipin pagdami ng may HIV, batang buntis first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/jX8JbDd
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada