Si Fajardo na ang PBA ‘GOAT’

San Miguel Beermen na ulit ang kampeon, nabawi na nila ang Philippine Cup title matapos ang tatlong taon. Talagang masasabi natin na andyan pa rin ang bangis ng mga bata ni coach Leo Austria.
Gutom ang grupo dahil ang tagal na mula nang huli sila nagkampeon, noong 2019 Commissioner’s Cup. Pero noong taong ‘yun ay buo pa ang Death Five, ngayon tatlo na lang sila. Wala na ang dalawang beterano sa grupo at napalitan na.
Sa totoo lang, marami ang tumaas ang kilay sa naging desisyon ng Beermen doon pero ngayon napatunayan nila na tama lang ang ginawa nila, na tama ang pagbabagong nangyari sa koponan.
Pero sa totoo lang mga ka-Abante, para sa akin, napakalaking factor ng mga beterano sa Beermen. Ibang klase ‘yung husay nina June Mar Fajardo, Marcio Lassiter at Chris Ross. Malaking advantage ‘yung may experience at champion players ka sa team mo, bukod sa talent, ‘yung leadership naroon.
Kumbaga, parang ang dali sa kanila na tapusin ‘yung laban, grabe rin kasi ang taas ng IQ nila pagdating sa basketball.
Kung babalikan natin ‘yung Game 7, sa crucial part, parang hindi nakaramdam ng kaba ‘yung tatlo, talagang kalmado lang sila at inilabas lang kung ano ‘yung kailangan ng team nila.
Grabe! Iba talaga sina Ross at Marcio kapag finals na. Lagi silang maaasahan bawat laro pero kapag sa finals na, unstoppable talaga sila. Minani lang nila ‘yung game 7, sa totoo lang. Idagdag pa natin diyan ‘yung talent ni Kraken na kahit yata sino ay hindi pa kakayaning tapatan.
Wala akong masabi kung hindi papuri para kay Fajardo. Imagine, matapos ‘yung injury niya, nakabalik siya sa form niya, sa tingin ko, mas mahusay pa siya doon sa June Mar Fajardo na nasa ‘peak’ bago madale ng injury.
Talagang makukumpirma natin na mahal ni Kraken ang basketball, iba ang dedikasyon niya sa isport na ‘to kaya naman naibabalik sa kanya ‘yung respeto na para sa kanya talaga.
Champion ka na, Best Player of the Conference pa tapos Finals MVP ka rin! Oh ‘di ba! Si June Mar na talaga!
GOAT!
Malinaw na GOAT tapos napakababa pa ng loob! Dapat talagang hangaan at tularan!
Muli, patuloy po ninyong suportahan ang Sportalakan. Salamat po at God bless!
The post Si Fajardo na ang PBA ‘GOAT’ first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/wUzfeEI
via IFTTT
Comments
Post a Comment