Tom Brady nilayasan ng asawa

Hiwalay na ang Brazilian supermodel na si Gisele Bundchen sa kanyang husband, ang seven-time Super Bowl champion na si Tom Brady.
Dahil sa isang “epic fight” ay biglang nag-alsa balutan si Gisele at hindi pa niya kinakausap si Tom hanggang ngayon.
Kelan lang ay bumalik ng Florida si Gisele mula sa Costa Rica, pero para lang makasama ang mga anak nila ni Tom. Hindi siya bumalik sa bahay nila sa Tampa at sa Miami siya nakatira ngayon.
“Gisele isn’t back with Tom. She flew back to Florida to be with her kids but hasn’t been to their home in Tampa. Tom is still hoping they can reconcile. Gisele has told him she’s leaving him before, and they always made up when she cooled down,” ayon sa isang reliable source.
Wala pa raw sa usapan ang pag-file ng divorce sa dalawa, pero marami ang naniniwalang papunta na roon ang lahat dahil ilang taon na raw silang hindi nagkakasundo sa maraming bagay.
Naging sanhi ng away nila ay ang muling pagbalik ni Tom sa paglaro ng football. Nag-retire na raw ito, pero gusto pa rin daw nitong balikan ang kanyang sport na ikinagalit ni Gisele.
Ang gusto lang daw ni Gisele na huwag sirain ni Tom ang pangako nito. Sinakripisyo ni Gisele ang kanyang career bilang supermodel para maging full-time mom sa kanilang mga anak. Si Gisele pa naman ang highest-paid supermodel at nag-lay low ito para sa pamilya nila ni Tom.
Sa podcast ni Tom, ito ang sinabi niya sa kasalukuyang lagay nila ni Gisele: “Everyone has different situations they’re dealing with and we all have unique challenges to our lives. I’m 45 years old, man. There’s a lot of s–t going on, so you just have to try and figure out life the best you can. You know, it’s a continuous process. You always have moments … I don’t think life is always the ultimate joy, I don’t think life is always the ultimate pain, I don’t think life is always the ultimate struggle, I don’t think life is always the ultimate happiness. Your life ebbs and flows through the clouds and through the sun and through the rain and through the beautiful days and you appreciate the moments and you find joy in the little things.” (Ruel Mendoza)
from Abante https://ift.tt/Vj5XcGB
via IFTTT
Comments
Post a Comment