Tumira na sa hotel

DREAM CATCHER

Napanaginipan kong nasa loob ako ng isang hotel at parang kilala na raw ako ng mga tao dun. Hindi naman sobrang gara ng hotel pero mababait ang mga tao tapos very relaxing ang place kasi paglabas mo dagat at mapunong lugar ‘yung makikita.

Tapos pagpasok ko uli ng hotel, ganun pa rin ang mga tao na todo bati sa akin at parang tumira na ako sa hotel dahil sa kilala na nila ako. Sa totoo lang, lagi akong nagta-travel for work pero hindi ako nagtatagal sa mga pinag-stayan ko na hotel. So may meaning kaya itong panaginip ko na connected sa ginagawa ko ngayon? Thanks.

– Bebs

Ang ating tahanan ay ang lugar kung saan nakakaramdam tayo ng safety at komportable tayong gumalaw at ipakita kung sino talaga tayo kumpara sa ipinapakita natin sa iba kapag nasa labas tayo o nasa harap ng publiko. Kung feeling at home ka sa hotel sa iyong panaginip, indikasyon ito na nasa proseso ka ng tranformation.

Maaaring nasa path ka ngayon kung saan patungo ka sa malaking pagbabago sa iyong buhay tulad ng career at relasyon.

At dahil ang mga hotel ay temporary lamang na lugar para mag-stay. Nirerepresenta nito na nasa point tayo ng transformation at transition patungo sa ibang sitwasyon.

Sinasabi rin na ang mga hotel ay nangangahulugang pag-stay sa isang tao sa hirap man o ginhawa. Pwede rin naman nakakaramdam ka ngayon ng feeling na napag-iiwanan ka ng iba o masyado kang lubog sa problema o hindi mo na napapasaya ang iyong sarili.

Maaari rin naman na hindi ka kontento sa kung ano man ang meron ka ngayon. Kahit may pera ka, pakiramdam mo ay mahirap ka parin.

Isipin mong nasa temporary stage ka lamang, malalagpasan mo ito at lilipas din ang lahat. Buhayin mo ang kagustuhan mo na mag-achieve pa at tuparin ang mga pangarap mo.

Sa kabilang banda naman, dahil sabi mo ay maayos, maganda at nakaka-relax ang place na nakita mo, nangangahulugan ito na makakaranas ka ng mga positibong pagbabago.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

The post Tumira na sa hotel first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/FrDu6TI
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada