Wesley nasa tuktok ng Sinquefield Cup

Kumakaway sa tuktok ng standings si Super Grandmaster Wesley So matapos makipaghatian ng puntos kay US GM Levon Aronian sa fifth round ng 2022 Sinquefield Cup na nilaro sa St. Louis, Missouri, USA kahapon.
Nakapagtala si 28-year-old So ng tatlong puntos upang masolo ang top spot sa 10-player single round robin, magkasalo sa second place sina American GMs Fabiano Caruana, Hans Moke Niemann at Leinier Perez-Dominguez at GM Ian Nepomniachtchi ng Russia tangan ang tig-2.5 points.
Sunod na makakalaban ni Cavite-born So si Niemann sa Round 6, kailangan manalo ng dating Phiilippine Chess team star player upang manatili sa unahan at mapalakas ang tsansa sa inaasam na titulo sa event na may total $350,000 prize.
Samantala, umayaw na sa laban si reigning World Champion GM Magnus Carlsen matapos hindi sumipot sa laban nito kay GM Shakhriyar Mamedyarov ng Azerbaijan sa Round 4 match nila.
Inanunsiyo ni Carlsen ang kanyang withdrawal sa Twitter account nito kaya wala nang So-Carlsen match ang masisilayan na nakatakda sana sa Round 7. (Elech Dawa)
The post Wesley nasa tuktok ng Sinquefield Cup first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/F2SPmsf
via IFTTT
Comments
Post a Comment