Posts

Showing posts from July, 2022

Abante Front Page | Balita ngayong August 1, 2022

Image
from Abante https://ift.tt/AOVa36W via IFTTT

Good luck sa 4 nating mga bet

Image
SI reigning national junior champion Fide Master Alekhine Nouri ang pambato ng National Chess Federation of the Philippines o ating bansa sa 2022 (59th Boys & 38th Girls) World Junior Under-20 Chess Championships sa Okt. 11-23 sa Sardinia, Italy. Coach at guardian ang kumpare kong si National Master Almario Marlon Bernardino, Jr. Full support ang magiting na dating congressman na si NCFP chairman/president Prospero ‘Butch’ Pichay, Jr. at si Philippine Olympic Committee president, Tagaytay City mayor Abraham ‘Bambol’ Tolentino, Jr. Gayundin sina NCFP chief executive officer Grandmaster Jayson Gonzales at POC deputy secretary general for administrator Carl Irving Sambrano. Magandang pa-birthday kay Bernardino na mag-po-45 yrs. old sa Aug. 5 ang pagtapos niya ng undefeated sa 11-round, 12-player 1st Ever Avocadoria FIDE Rated Rapid Chess Tournament sa Avocadoria Rainbow, Marikina noong Biyernes. Nakapagtala ng nine points ang incoming coach ng multi-titled Rizal Technological Un...

Charo, Imee photo inalmahan

Image
Wagi ang Martial Law film na Katips sa 70th FAMAS Awards, na ginanap sa Metropolitan Theatre noong July 30. Nauwi nila ang pitong FAMAS trophy tulad ng Best Picture, Best Supporting Actor (Johnrey Rivas), Best Director and Best Actor (Vince TaƱada). Ang pelikula ni Carlo Francisco na Manatad’s Kun Maupay Man It Panahon ay nag-uwi ng award for Best Actress for Charo Santos-Concio. Ang Big Night naman ni Jun Lana ay nagpanalo ng Best Supporting Actress for Janice de Belen. Heto ang ibang winners: Best Short Film: See You George! Best Visual Effects: Santelmo Studio (My Amanda) Best Sound: Albert Micahel Idioma, Alex Tomboc, Pietro Marco Javier (A Hard Day) Best Original Song: “Sa Gitna ng Dulo” (Katips) Best Musical Score: Pipo Cifra (Katips) Best Editing: Law Fajardo (A Hard Day) Best Production Design: Whammy Alcazaren (Kun Maupay Man It Panahon) Best Cinematography: Manuel Abanto (Katips) Best Screenplay: Jun Lana (Big Night) Special Awards Lifetime Achievement Awardee...

Mariel tumiba ng ‘milyones’ sa live selling

Image
Tuloy-tuloy ang pasok ng suwerte kay Mariel Rodriguez Padilla. Marunong kasing tumanaw ng utang na loob ang misis ni Sen. Robin Padilla, at namamahagi talaga siya ng biyaya sa mga supporter nila. Labis ang saya ni Mariel nang umabot na sa 5M ang mga subscriber niya sa Facebook. At nitong Sabado, nakuha na rin niya ang Gold Play button (1M subscriber) sa YouTube channel niya. On top of that ang pagiging numero unong senador ni Binoe noong eleksyon. At dahil nalalapit na rin ang kaarawan niya, kaya may pasabog siya. “Because I’m feeling great we will have a major-major sale! “Mark your calendars mga sis because we will do our Triple Celebration Live Selling Sale on August 7, 2022 at 7pm on my Facebook page!” sabi ni Mariel. Asahan daw ang pagbaha ng good deals at giveaways. Pinasalamatan din niya ang kanyang digital team at ang kanyang pamilya sa suporta nito upang maabot ang success na ito. Inialay niya ang pagdiriwang sa mga kapwa niya liveseller na nagsilbi niyang inspirasyon, ...

Pitz BeriƱa naluha sa ‘Kita Ay Mahal’

Image
Hindi mo puwedeng tawaran ang husay sa pagkanta ng dating marino na si Captain Peter (Pitz BeriƱa) na tinaguriang Singing Captain. Mula sa pagsampa sa mga barko, pagtatrabaho sa iba’t ibang international cruise lines, isa na nga siyang recording artist. Sa presscon ni Pitz ay pinarinig nga niya ang kanyang awitin na “Kita Ay Mahal” na likha ni Vehnee Saturno, na tungkol sa wagas na pagmamahal. May anim pang orihinal na kanta ang album ni BeriƱa at pitong cover songs na lahat ay Original Pilipino Music. Napapakinggan na rin sa mga radyo ang ni-revive niyang kanta na “Muli” na inawit ni Rodel Naval. Nais ni Captain Peter na maging inspirasyon ng mga kapwa niya seafarer, pati na ng mga ordinaryong tao, na abutin ang mga pangarap – ano man ang kulay, edad, estado nila. Kuwento niya, naluha siya nang una niyang mapakinggan ang awitin niya sa radio. Hindi nga siya makapaniwala na ang matagal na niyang pangarap ay naisakatuparan niya. “Naging emotional talaga ako. Iba ang pakiramdam,” ...

‘Dos Por Dos’ totoong lilipat na

Image
Sa nakalipas na 2 taon, nakasanayan na ng marami ang pakikinig, panonood sa hapon sa DZRH dahil sa “Dos Por Dos.” Marami silang napasaya, natulungan, naresolbang mga problema ng milyong Pinoy. Naging inspirasyon sa mga fan ng DZRH ang good vibes ni Gerry Baja at katatagan ni Anthony Taberna sa personal niyang pinagdaanan. Anyway, July 28 (Thursday) ay parang apoy na kumalat sa socmed, mainstream media ang “paglipat” ng dalawang batikang broadcaster. Kaya sa huling broadcast nina Taberna, Baja noong July 29, nagpaalam na sa mga tagasubaybay ang “Dos Por Dos” sa 5-6:30 pm time block. Yes, totoong lilipat na ang “Dos Por Dos”… ng oras sa DZRH. Simula Agosto 1 ay mapapanood/mapapakinggan na sila ng 6:00 to 8:00 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes. Mas pinaagang hambalos sa mga may maiitim na balak. Mas mahabang oras ng balitaktakan at napapanahong komentaryo, na kukumpleto sa masayang umaga ng bawat pamilyang Pilipino. Kaya tutok lang sa DZRH television at social media platforms ng M...

AlDub ayaw sumuko: Alden, Maine ‘baby’ nakatago raw sa isla

Image
Petsa na lang at kung saan gaganapin ang kasal ang kulang sa kuwento ng engagement nina Congressman Arjo Atayde at Maine Mendoza. Sa paglutang ng balita ay siguradong sangdamakmak na miyembro ng AlDub Nation ang naghagulgulan, ang nagalit nang todo sa aktor-politiko, ang namatayan ng pangarap para sa pagmamahalan nina Maine at Alden Richards. Ito ang katotohanan ng buhay na kailangang tanggapin ng mga tagahanga ng mga artista. Iba ang pagmamahalan lang sa harap ng mga camera. Hindi totoo ‘yun. Pang-camera lang ‘yun. Ibang-iba rin ang pagmamahalan sa likod ng mga camera. ‘Yung nakatago, ‘yung hindi napapasok ng publiko, ‘yung para sa mga nag-iibigan lang. Siguro naman dahil nagpahayag na ng plano si Arjo na pakasalan na si Maine, na tinanggap naman ng Dubsmash Queen, ay isusuko na ng mga tagahanga nila ng Pambansang Bae ang kanilang laban. Hanggang ngayon kasi ay meron pang mga natitirang tagasuporta ang AlDub na buung-buo ang paniniwala na may relasyon ang kanilang mga idolo. Me...

DongYan kuminang sa gala: Bianca nilampaso mga Kapuso female star

Image
Ilan sa mga nag-stand-out sa amin sa ginanap na GMA Gala ay sina Sofia Pablo, Barbie Forteza, Heart Evangelista, Beauty Gonzalez, Marian Rivera. Sila ‘yung lutang na lutang talaga ang ganda at kung paano nila nadala ang kanilang gown and looks. May pa-sweet lang at siyempre, may mga napaka-class talagang tingnan lalo na si Marian. Pero hands-down sa lahat base sa mga larawan at videos na lumabas sa social media, si Bianca Umali. Deserve na deserve niya ang nakuhang awards na Belo Beauty of the Night at Beautederm Scene Stealer Award. At kahit marami rin celebrity couples sa GMA Gala, iba talaga ang presence ng DongYan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Kaya parang hindi mo na talaga pag-iisipan at sila ang Couple of the Night. Ang balita namin, nasa 800 daw ang invited including the GMA executives, production head, Sparkle staff, managers at ilang invited guest outside Kapuso network. Kung may mga nag-stand-out dahil sa magandang kasuotan at pagdadala nito, hindi maitatanggi...

Frayna, PH ungos kontra Nicaragua

Image
PINAMUNUAN ni Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna ang 39th seed Team Pilipinas na alpasan ang 78th seed Nicaragua, 2.5-1.5, para pangalawang sunod na panalo sa 44th FIDE (International Chess Federation) Chess Olympiad 2022 sa Four Points by Sheraton sa Chennai, India nitong Sabado. Kinaldag ni Frayna si Woman International Master Maria Esther Granados Diaz para sa unang atake makaraang magpahinga sa pagbokya ng Pinay woodpushers laban sa 199th seed Guam via 4-0 noong Biyernes. Di’ rin umubra kay Woman FFIDE Master Shania Mae Mendoza si Patricia Alvarez Gutierrez, samantalang nauwi sa tabla ang sabak ni WIM Jan Jodilyn Fronda kay Michelle Ferrufino. Tanging si WIM Marie Antoinette San Diego ang nasilat sa PH ni Maria Jose Ortiz Granados. Mabigat ang laban ng mga Pinay kontra 18th Serbia sa third round sa Linggo. Nagtala naman ng magkahiwalay na draw game sina GM Mark Paragua at John Paul Gomez, pero ‘di sapat upang lumuhod ang 52nd seed national men’s team sa may mga super GM na N...

Abante Front Page | Balita ngayong July 31, 2022

Image
from Abante https://ift.tt/21pzGFZ via IFTTT

Sylvia gusto nang magka-apo: ArMaine engagement nagpaulan ng kilig, luha

Image
Ano bang meron sa July 28? Well, July 28, 2013 noong mag-tweet si Maine Mendoza ng ‘Arjo cutie’. At July 28, 2018 noong magkita, magkakilala raw ang dalawa sa story conference ng pelikulang ‘Jak en Popoy’ kasama sina Vic Sotto, Coco Martin. At siyempre, July 28, 2022 ang pasabog na ‘will you marry me?’ ni Arjo kay Maine. Ang bongga ng ‘Wait, whaaaat??? We’re engaged’ tweet ni Maine, ha! Kitang-kita nga sa video na pinost ni Mark Nicdao ang pag-iyak ni Maine sa paandar ni Arjo. At yes, nagbunyi ang mga taga-showbiz, na finally, may bagong couple na naman ang magpapatunay, magpapatibay ng pagmamahalan. Pamatay rin naman kasi sa kilig ang paandar ni Arjo, di ba? Na matinding preparasyon, set up, na ginastusan, pinagtulungan ng lahat ng mahuhusay sa ganitong event, ang proposal na `yon. Ang fireworks pa lang, matapos alukin ni Arjo si Maine ng kasal, talagang kikiligin ka na, at maiiyak ka sa tuwa. Pero siyempre, pinaka-inaabangan din ng marami, bukod sa mensahe ni Alden Richa...

‘Wag sisihin si Alden’ AlDub Nation nag-iyakan, sugatan ang puso

Image
ALDUB SIGNING OFF! Kasabay ng announcement ng engagement nina Maine Mendoza, Arjo Atayde nitong Biyernes, July 29, 2022 (note: July 28, 2022 ginanap ang proposal), nag-trending din agad-agad ang #AlDub sa iba’t ibang social media platform. Siyempre, bumaha ng luha mula sa mga fan na umaasam na ang mga idolo nila, magkasamang haharap sa altar sa bandang huli. Pero, hindi na nga `yon magaganap sa totoong buhay. Ramdam na ramdam mo nga ang pagkawasak ng kanilang mga puso. Na ang iba ay hindi pa rin makapaniwala, at nabubuhay pa rin sa sitwasyon na kesyo kasal, may anak na sina Alden at Maine. Heto nga ang iba’t ibang makadurog pusong reaksiyon ng mga AlDub fan: “I never thought that my greatest heartbreak would be you two. My TOTGA. I’ll be fine/we’ll be fine someday we just need to heal in our own phase. Still thank you Alden and Maine I’ll always treasure the journey we all share. Maybe in another lifetime, maybe. “SIGNING OFF.” “Sobrang emotional ko sa engagement nina Arjo at M...

Komyuter

Image
Para lang malinaw. Lahat ay pasahero o passenger pero hindi lahat ay commuter, o binabaybay na rin bilang ‘komyuter’ sa ating wika. Ang pasahero, maaaring may sarili kang sasakyan, pero pasahero ka lang dahil hindiu ikaw ang nagmamaneho. Sa kotse, may upuan na kung tawagin ay passenger seat; may para naman sa nagmamaneho na tinatawag na driver seat. Pasahero ang hindiu nagmamaneho. Maaaring nakikisakay ka kaya ka pasahero. Maaaring sarili mo ang sasakyan at may sarili kang drayber kaya ka uli pasahero. Samantala, komyuter kung nagbayad ka sa sinasakyan mong pampublikong transportasyon. Maaaring ang pampublikong transportasyon na ito ay traysikel, dyipni, UV Express, tren, eroplano, barko. Komyuter ka kapag nagbayad ka upang maging pasahero. Hindi nawawala sa uso ang usaping komyuter sa ating bansa lalo sa mga lungsod at urban areas na maraming tao na kailangang maglakbay para makapasok sa kanilang trabaho o paaralan. Noong unang manalasa ang salot sa atin, nag-lockdown. Tumigil pan...

Sandara biglang umeksena sa concert ni BamBam

Image
Tatlong taon din ang nakalipas at muling nakabalik si Sandara Park sa Pilipinas, ang bansa na para kay Sandara ay second home na niya. Matagal na ngang gusto ni Sandara na muling makapagbakasyon sa bansa. Katulad noong pre-pandemic na ilang beses sa isang taon siya nagpupunta ng Pinas. Base sa Instagram post ni Sandara, sinamahan lang daw niya ang kaibigang si BamBam, ang Thai rapper na naka-base sa South Korea at miyembro ng boy band na Got7. Supposedly, backstage lang siya, pero bigla siyang pinag-perform sa concert nito. Kaya sey nito, “Grabe!! What a totally unexpected day today! Came here to support my dear brother, @bambam1a and I ended up performing on stage. Nag-enjoy ba kayo? Sana nag-enjoy kayo!” Pambansang Bae pinabayaan si Yaya Dub Nanggulat talaga sina Arjo Atayde at Maine Mendoza sa kanilang ginawang revelation. Engaged na ang ArMaine o sina Arjo at Maine. Present ang both families nina Arjo at Maine kaya walang-duda na tanggap na tanggap ng bawat pamilya ang isa...

Saso sokpa sa last round

Image
NAGSALPAK ng apat na birdie sa front nine laban sa isang bogey at dalawa pang bogey sa back nine si Yuka Saso para sa one-under par 71 at umusad sa 75 finalist sa halfway mark ng 73rd Ladies Professional Golf Association Tour 2022 Leg 19 $2M (P111M) Trust Golf Women’s Scottish Open sa Dundoland Links sa Ayrshire, Scotland nitong Biyernes (Sabado sa Maynila). Pero kasama ang 70 sa opening, may three-under 141 ang 21-year-old Filipina-Japanese na pambato ng Japan at pinapadrinuhan ng ICTSI (International Container Terminal Services, Inc.) upang makibuhol sa 15-way tie sa 40th spot. Bomalabs na si world No. 22 Saso para sa korona dahil sa 11 palong pagkaiwan kay solo leader at world No. 4 Kiwi Lydia Ko na may second straight day 65 para sa 130, one stroke lang na bentahe kay world No. 2 Aussie Minjee Lee na nag-67 sa second round. Nasa tersera si Korean Eun-hee Ji na may 64-133. May 67 golfer ang mga sumablay sa cut at dalawa ang nag-withdrawn. (Ramil Cruz) The post Saso sokpa sa la...

Paragua, ‘Pinas binokya Oman

Image
PINAMUNUAN ni former Super Grandmaster Mark Paragua ang Philippine men’s team sa pagbokya sa Oman, 4-0, sa simula ng 44th World Chess Olympiad na nilaro sa Chennai, India, Biyernes ng gabi. Ang ibang miyembro ng team na nagtala rin ng panalo ay sina GM John Paul Gomez at Darwin Laylo, maging si International Master Paulo Bersamina. Nagpakitang-gilas din ang women’s team matapos pagpagin ang Guam 4-0. Sina WIM Jan Jodilyn Fronda, Woman FIDE Master Shania Mendoza, WIM Marie Antoinette San Diego at WIM Kylen Joy Mordido ang mga tumulak ng panalo sa women’s team. (Elech Dawa) The post Paragua, ‘Pinas binokya Oman first appeared on Abante . from Abante https://ift.tt/HdzKO15 via IFTTT

SM Supermalls opens SM Government Service Express in select malls nationwide

Image
Need to access government services at your convenience? SM Supermalls has got your back! It doesn’t matter where you are in the Philippines, because there will always be an SM Government Service Express near you. SM Supermalls has the highest number of locations in the country to give you most if not all, the offsite government services you need. From Luzon all the way to Mindanao, SM Supermalls has made sure you can get all your government documents at an SM Government Service Express nearby. You don’t just go to an SM Mall to shop anymore. Now you can accomplish errands such as government ID applications and so much more in the most convenient place possible. With an SM Government Service Express within your reach, you can now renew your driver’s license in Land Transportation Offices (LTO), get your passport renewed at Department of Foreign Affairs (DFA) sites, register safely and easily for a National ID, and tick off your adulting must-haves checklist such as SSS, PhilHealth,...

Abante Front Page | Balita ngayong July 30, 2022

Image
from Abante https://ift.tt/udjzbPg via IFTTT

2YO Maiden Race lalarga sa SLLP

Image
Maganda ang pambungad na karera sa susunod na buwan dahil makikilatis ang mga batang kabayo sa pangunguna ng magka-kuwadrang Love Radio at Noon Charm sa 2022 Philracom 2-Year-Old Maiden Stakes Race. Ilalarga ang nasabing karera sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa Agosto 7, may distansiya itong 1,400 metro. Ang ibang kabayong inaasahang lalahok sa karerang nakalaan ang P1M guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta ay sina Jaguar, Malibu Bell, Secretary at Sky Magic. Hahamigin ng owner ng mananalong kabayo ang P600,000, sisikwatin ng pangalawa ang P225,000 habang ibubulsa ng third at fourth ang P125,000 at P50,000, ayon sa pagkakasunod. Rerendahan nina John Alvin Guce at John Paul Guce sina Love Radio at Noon Charm sa event na suportado ng Philippine Racing Commission sa pamumuno ni chairman Reli De Leon. (Elech Dawa) The post 2YO Maiden Race lalarga sa SLLP first appeared on Abante . from Abante https://ift.tt/HqGd8J9 via IFTTT

Paragua, national chess team uupak

Image
PAMUMUN7AN ni former Super Grandmaster Mark Paragua ang kampanya ng Philippine Chess sa 44th World Chess Olympiad na lalaruin sa Chennai, India, haharapin ng men’s team ang Oman sa first round habang katapat ng women’s squad ang Guam. Ranked 52nd, maglalaro sa board 1 si Paragua, board 2 si GM John Paul Gomez habang board 3 at 4 sina GM Darwin Laylo at IM Paulo Bersamina, pahinga sa unang laro si GM Banjo Barcenilla. Pahinga rin sa first round si WGM Janelle Mae Frayna kaya ang tutulak muna ng piyesa ay sina WIM Jan Jodilyn Fronda, WFM Shania Mae Mendoza, WIM Marie Antoinette San Diego at WGM-candidate Kylen Joy Mordido. Ipatutupad ang 11-round, 12-day tournament kung saan ay may 184 men’s teams mula sa 182 countries at 158 women’s squads mula sa156 nations, sina GM Eugene Torre at Jayson Gonzales ang coach at non-playing captain ng koponan. (Elech Dawa) The post Paragua, national chess team uupak first appeared on Abante . from Abante https://ift.tt/ZyWwEf4 via IFTTT

EJ aayuda kay De Vega

Image
ISA si pole eaulter EJ Obiena sa mga magbibigay aayuda sa ‘sprint queen’ na si Lydia De Vega, kapapanalo lang nito ng bronze model sa World Athletics Championships na ginanap sa Oregon. Dahil sa panalo, makatatanggap ng P250,000 na cash incentive ang pole vaulter mula sa Philippine Sports Commission (PSC). “I just learned of the plans of PSC to reward me with Php250,000 incentive for breaking the Asian record,” aniya. Pero ayon kay Obiena, kahit kailangan niya ito, mas pinili nitong makatulong kay De Vega na may stage 4 cancer. “This is deeply appreciated, and certainly needed since my funding is still yet to be sorted, despite the mediation agreement. However, it occured to me that despite my own training needs, Mam. Lydia needs the money more than I do,” sey pa ni Obiena. (Sarah Jireh Asido) The post EJ aayuda kay De Vega first appeared on Abante . from Abante https://ift.tt/yBAoQtf via IFTTT

Eala inalay panalo sa mga nilindol

Image
HINANDOG ni World No. 282 Alexandra “Alex” Eala ang kanyang maigting na straight sets na panalo sa quarterfinal round kontra Rosa Vicens Mas ng host Spain Huwebes ng gabi sa mga kababayang naapektuhan ng 7.3 magnitude na lindol tungo sa pagtuntong sa semifinals ng WTT ITF W25 El Espinar/Segovia leg sa Pedro Munoz court sa Segovia, Spain. “I was saddened to hear about the earthquake back home. So, this win goes out to all the affected families. I had a huge battle today winning 7-6 / 7-6,” sabi ng 17-anyos na si Eala, na tumuntong sa ikaapat na semifinals sa limang sinabakan nitong torneo sa professional tennis circuit ngayong 2022. Kinailangan ng Rafa Nadal Academy scholar at Globe ambassador na si Eala dumaan sa dalawang matira-matibay na rally point upang itala ang 7-6(3) at 7-6(4) panalo kontra sa 6th seed at World No. 285 na si Mas upang muling lumapit sa inaasam nitong ikatlong titulo sa internasyonal na torneo. Makakatapat ni Eala sa semifinals ang isa pang home bet mula sa h...

Zion bawal maging botsog

Image
MAY isang kondisyon ang New Orleans Pelicans sa $193 million contract extension na binigay kay Zion Williamson. Sa loob ng limang seasons, bawal magdagdag ng timbang ang 22-year-old power forward. Sa kasalukuyan, nilista ng Pelicans si Williamson bilang 6-foot-6, 284 pounds. May weight clause daw ang extension na posible pang sumirit hanggang $231M. Ayon kay Christian Clark ng NOLA.com, maya’t maya ay isasalang sa timbangan si Williamson, at kailangan daw hindi lalagpas ng 295 ang kanyang combined weight at body fat. No. 1 pick ng New Orleans si Zion noong 2019 pero naka-24 games lang sa kanyang rookie season dahil sa knee injury. Nawala siya nang tuluyan sa buong 2021-22 dahil naman sa foot injury. Sina personal trainer Jasper Bibbs at private chef Christian Green ang nakatutok kay Zion bago ang 2022- The post Zion bawal maging botsog first appeared on Abante . from Abante https://ift.tt/0zJFaej via IFTTT

Gonzaga, Army hahabol sa semis

Image
Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Arena) 11:30am — Black Mamba vs Creamline 2:30pm — Cignal vs PLDT 5:30pm — Petro Gazz vs Choco Mucho PANIGURADONG gagawin lahat ni Jovelyn Gonzaga at ng Army-Black Mamba Lady Troopers kontra powerhouse Creamline Cool Smashers na nagnanais masungkit ang isang silya sa semifinals sa 2022 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference sa FilOil Flying V-Arena sa San Juan City, Sabado. Matapos bitbitin ang Lady Troopers sa panalo laban sa talsik nang Chery Tiggo Crossovers nitong Martes nang magpasiklab ito sa opensa at depensa sa kabuuang 15 puntos mula sa 12 atake at 3 blocks, tatangkain ng 31st Southeast Asian Games beach volleyball bronze medalist na makasilat sa grupo ni Alyssa Valdez sa unang laro ng triple game sa alas-11:30 ng umaga. Winalis ng Lady Troopers ang Chery Tiggo sa tatlong set 25-20, 25-23, 25-22 sa pagbabalik ni coach Emilio “Kung Fu” Reyes Jr. na hindi nasilayan ng dalawang laro sa kopooan, ngunit patuloy na hinihintay...

Abante Front Page | Balita ngayong July 29, 2022

Image
from Abante https://ift.tt/vUpr2Pt via IFTTT

Ateneo solido kay coach Tab

Image
BUONG suporta ang ibinigay ng mga Ateneo players partikular na nina Dave Ildefonso at SJ Belangel sa dati nilang head coach na si Tab Baldwin sa gitna ng paninisi ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa nasabing mentor tungkol sa kinahinatnan ng Gilas Pilipinas. Miyerkoles nang ibahagi sa social media account nina Ildefonso at Belangel ang post nila gamit ang #BEBOB. Ang BEBOB o Blue Eagle Bond of Brothers ay isang sigaw ng laban o battlecry na sinimulan ni Baldwin noong kanilang kampanya sa University Athletics Association (UAAP) noong 2017 nang sila ay sumabak sa championship game. “We few. We happy few. We Bond of Brothers. For He today that sheds his blood for me shall be my brother. #BEBOB,” ayon sa nasabing post ng mga manlalaro. Nauna dito ay nagbigay ng pahayag si SBP President Al Panlilio kung saan ay sinisisi nito si Baldwin tungkol sa naging kapalaran ng Gilas sa pagsabak, partikular na sa nakaraang 31st Southeast Asian Games (SEAG), at nagdaang third window ng FIBA...

Heart, Chiz pinagdudahang hiwalay na

Image
May pinagdadaanan daw ba ngayon si Heart Evangelista? Dahil nga sa tweet ni Heart na “Lord” na may umiiyak na icon, nag-isip ang mga netizen. May mga nag-akala na maghihiwalay sila ni Sen. Chiz Escudero? Kaya may mensahe ang iba na, “Give your family esp Chiz the priority.” Umaga ng July 27 ang tweet ni Heart, kaya posibleng ang malakas na lindol ang dahilan ng tweet niya. ‘Maid In Malacanang’ binangga ni Vince Babanggain ng pelikulang Katips ang Maid In Malacanang sa mga sinehan sa August 3. Pikit-mata pero palaban ang naging desisyon ng film producer, aktor na si Vince Tanada. Sabi ni Vince, hindi na kailangan pang maghanap ng pelikula si direk Joel Lamangan na pantapat sa “Maid In Malacanang” dahil nandiyan nga raw ang movie nila. Paninindigan ni Vince na hindi fictional o tsismis lang ang kuwento ng pelikula nila dahil totoong karanasan niya at ng pamilya niya ito noong Martial Law. Maraming pasabog si Vince gaya ng patutsada niyang “hard earned” ang pinang-produce niy...

Karla itinanggi paglipat sa Villar TV

Image
Kasama ni Karla Estrada ang dyowa niya sa SONA 2022. Dahil matatag na ang love life niya, na tulad kina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, tinanong ko siya kung sino ang mas unang ikakasal sa kanila? Sumagot ito na, “Magbabato-bato-pik na lang kami,” sabay tawa. Sabi ni Karla, ang KathNiel na talaga ang magkakatuluyan. “Momsie, ang tagal na rin nila, marami na rin silang pinagdaanan. Feeling ko sila na…sana naman,” komento niya. Anyway, nilinaw ni Karla na hindi siya lilipat ng istasyon kahit nagpaalam na siya sa Magandang Buhay. May mga chika kasi na may show na siya agad sa Villar TV. Sey niya, mas magpu-focus daw siya sa Tingog partylist. “Nakakaloka naman ‘yung lilipat ako. Hindi ko pa nakakausap ang mga bosses ng ABS-CBN. Pero ang gusto ko sa Tingog muna ako magserserbisyo.” (Rey Pumaloy) The post Karla itinanggi paglipat sa Villar TV first appeared on Abante . from Abante https://ift.tt/94wtOuc via IFTTT

Kim, Andrea collab binakbak sa youtube

Image
Tila may hindi karapat-dapat na mapanood sa YouTube channel ni Kim Chiu kaya naman biglang binaklas ito ng actress-singer. Naloka tuloy ang kanyang mga fan. Humingi ng paumanhin si Kim sa mga fan na nakapanood na ng vlog niya, dahil sa ginawa niyang pagtsugi sa content. Ayon kay Kim, biglang nilabas ng kanyang staff ang vlog nang hindi man lang pinaalam sa kanya. Ibig sabihin, may iniiwasan siyang topic doon na ayaw niyang mapanood ng marami, kaya agad niya itong binakbak. “Hey guys! Need to down my vlog. Yung may hawak ng YouTube ko paladesisyon, naglabas ng vlog ng ‘di ko alam. Oh no! Sorry about that!” sabi ni Kim. Base sa mga nakapanood na, kasama ni Kim si Andrea Brillantes sa vlog. (Rey Pumaloy) The post Kim, Andrea collab binakbak sa youtube first appeared on Abante . from Abante https://ift.tt/r8uUJgd via IFTTT

My Prancealot, Tony’s Love patok

Image
MASISILAYANG muli ang tikas nina My Prancealot at Tony’s Love matapos magdeklara ng pagsali ang kani-kanilang kuwadra sa Open Invitational Race for Imported & Local Horses na pakakawalan saa Linggo sa Metro Turf sa Tanauan City, Batangas. May distansiyang 1,800 metro, ang ibang nagsaad ng pagsali ay sina A.P. Factor, Dragon Butterfly, Isla Puting Bato, Joyous Solution, In The Zoon at Sudden Impact. Nakalaan ang guaranteed prize na P500,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon. Ayon sa komento ng mga karerista sa social media, malaki ang tsansang manalo ni Tony’s Love dahil coupled-entry nito si In The Zone na sasakyan ni jockey MA Lanot. Rerendahan ni Pabs Cabalejo si Tony’s Love habang si NC Lunar ang gagabay kay My Prancealot. Hahamigin ng owner ng mananalong kabayo ang P300,000, mapupunta ang P100,000 sa second placer habang P50,000 at P25,000 ang third at fourth, ayon sa pagkakasunod. Kukubrahin ng fifth a...

Abante Front Page | Balita ngayong July 28, 2022

Image
from Abante https://ift.tt/MhtRmPY via IFTTT

‘Madali siyang mahalin’ Heaven palaban sa lampungan kay Ian

Image
Ang grupo nina Direk Lino Cayetano ng Rein Entertainment Productions, ang nagsabi na hindi naging madali sa kanila na mapa-‘oo’ si Heaven Peralejo para gumanap na sugar baby ni Ian Veneracion sa pelikulang ‘Nanahimik Ang Gabi’ na pasok sa Metro Manila Film Festival 2022. Sa pagbisita namin sa shooting nila sa Tagaytay, inamin ni Heaven na talagang hindi naging madali sa kanya para tanggapin ang mapangahas na role. “Hindi naman. Hahahaha! Ang ganda ng script. Gusto ko talaga. Pero, may mga script na hindi pa siguro ako ready. Parang hindi pa papunta doon. Pakonti-konti pa lang. Pa-tease-tease pa lang,” sabi ni Heaven. So, paano siya nakumbinsing gawin ang ‘Nanahimik Ang Gabi’? “Sobrang understanding kasi ng team, sina Direk (Shugo Praico), parang nagkaroon kami ng compromise, at nakakatuwa kasi sa kanila, collaborative sila, na hindi lang director ang nasusunod. “Kami as an artists, binibigay rin namin ang mga suggestions namin,” sabi ni Heaven. Well, matindi nga kasi ang role...

Anne, Cat, Heart nabulabog: Janno ginulantang ng lindol sa La Union

Image
May mga nagulat at nagtatanong tuloy kay Heart Evangelista kung tungkol saan daw ang kanyang tweet na, “Lord” kasunod ang sad emoji. May mga netizens na mabilis nag-comment sa tweet niya at nagbigay ng suporta nila. Sey ng isang netizen, “I don’t know what is is Ms. Heart, laban lang. We’re here at your back. We love you. Sending hugs.” “Hugs. Hope you’re okay idol.” Pero marami rin naman ang nag-assume agad na posibleng tungkol sa lindol na naganap ng umaga ng Miyerkules kunsaan, ang epicenter ay sa Ilocos Sur na umabot ng mahigit 7 ang intensity at maraming old houses, old churches ang nag-collapsed. Hindi lang si Heart ang ang nag-tweet dahil sa lindol. Ilan din sa mga celebrity ang nag-tweet agad na halos lahat ay nagulat dahil sa lakas at tagal. Sey ni Catriona Gray, “Lakas ng lindol, stay safe everyone.” Gayundin si Anne Curtis. “Ang haba ng earthquake!!!!!! Hope everyone’s safe.” Si Julie Anne San Jose naman, “Lakas ng lindol. Stay safe everyone! “Ang lakas ng lindol… ...

Karera Tips Ni JP Gonzales

Image
R01 – 1 The Barrister, 4 Achi Holly, 9 Star Of Kidapawan, 6 Tinini R02 – 1 Platinum Bell, 5 Sun Dance, 3 Lights Out, 4 Ecotourism R03 – 9 Che Che, 1 Avenue Shopper, 3 Excavator, 7 Tumalog Falls R04 – 2 All To Easy, 5 Noon Bell, 4 Doctor Amorette, 1 Serafina R05 – 7 Chef Kat, 6 Markees Angel, 3 Yes Kitty, 8 Awesome Julliane R06 – 6 Big Lagoon, 3 Shanghai Noon, 4 Runway, 5 Speed Fantasy R07 – 13 Digital, Entry No. 7, 2 Pretty Meadow, 4 Step Bell Solo Pick: All To Easy, Big Lagoon Longshot: The Barrister, Chef Kat The post Karera Tips Ni JP Gonzales first appeared on Abante . from Abante https://ift.tt/YbvH6zx via IFTTT

Karera Tips Ni JP Gonzales

Image
Hulyo 27, 2022 – Miyerkoles / San Lazaro Leisure Park – Carmona, Cavite R01 – Entry No. 4, Entry No. 1, 2 Top Grosser, 5 Prime Time Magic R02 – 5 Super Cool, 3 Pakikisama, 6 Flair Bottom, 2 Freedom Lover R03 – 7 Cash Is King, 4 Amaretto Sour, 2 Skyscraper, 3 SeƱorita Bonita R04 – 5 Highly Honored, 1 This Time, 3 Case Bell, 4 Happy Julliane R05 – 5 Liquid Gold, 4 Performance Gear, 6 Heroesdelninetysix, 1 My Jopay R06 – 1 Hook The Hustler, 7 Innocare, Entry No. 2, 4 Avalone Bandit R07 – 1 Andrew’s Bet, 7 Misaka, 10 Baby Boss, 11 Run Em Down Solo Pick: Super Cool Longshot: Cash Is King The post Karera Tips Ni JP Gonzales first appeared on Abante . from Abante https://ift.tt/f5PprHz via IFTTT

Abante Front Page | Balita ngayong July 27, 2022

Image
from Abante https://ift.tt/jcyMDOv via IFTTT

Karla nagutom, napagod: Lucy, Juliana agaw pansin ang ganda sa SONA

Image
Sa live coverage namin sa katatapos lang na unang SONA ni Pangulong Bongbong Marcos para sa Abante TeleTabloid, hindi naging madali sa buong team at sa mga dumalo ang kaganapan. Dahil sa banta ng Covid-19, lahat ay dumaan sa health declaration RT- PCR test upang matiyak ang safety ng lahat. Kahit ang mga sikat, influential showbiz, political personality ay isa-isang sumalang sa mapanuring staff para kunin ang mga health clearance documents. Nagdusa rin sa matagal na paghihintay ang lahat matapos ang event. Dahil walang signal at pinatay ang network connection, naghanapan ang mga public servant ng kani-kanilang mga driver, back-up para sunduin sila sa harap ng building. Gutom na gutom naman si Karla Estrada dahil hindi siya kumain. Gusto na niyang umupo sa sahig kahit naka-gown dahil kumirot na ang mga paa sa suot na high heels. Nakasalubong namin si Bianca Manalo kasama ang partner na si Sen. Win Gatchalian. Mukhang pagod na ang aktres at hindi nakangiti sa paglalakad. Masaya ...