Posts

Showing posts from September, 2022

Maricel ginawang ‘katatawanan’ ng komedyante

Image
Kakaiba talaga ang power ng Unkabogable star Vice Ganda dahil nagawa niyang paglaruan ang Diamond star Maricel Soriano. Imagine, ginawa niyang katatawanan ang iconic star ng Philippine showbiz. Maraming takot na paglaruan si Maricel, dahil baka tarayan sila nito, na kilala ngang “Taray Queen” din. Pero, nagawa siyang pasunurin ni Vice, ha! Parang maamong tupa na sunud-sunuran si Maricel kay Vice sa latest YouTube vlog ng komedyante, ang “Unkabogable Challenge with Miss Maricel Soriano”. Sa nasabing challenge, pinagawa ni Vice ang mga sikat na dialogue sa pelikula nina Nora Aunor sa “Himala” at ni Vilma Santos sa “Anak”. Ppinagawa rin ni Vice ang isang eksena sa “Girl, Boy, Bakla, Tomboy”, na kung saan ay sineduce-scene niya si Ejay Falcon, na sinubuan siya ng barbeque. Ang huli ay ang eksena ni Dolphy sa isang pelikula na nalasing sa kakainom ng alak habang kinukunan ang commercial ad. Walang inurungan si Maricel sa lahat ng challenge at hindi man lang nagreklamo sa mga pinaga...

Pia matindi ‘pagnanasa’ kay Jeremy

Image
Wala pang isang buwan mula noong umuwi ng Pilipinas si Pia Wurtzbach, pero sabik na sabik na agad ito sa romansa ng dyowang si Jeremy Jauncey. Inaatake ng sepanx (separation anxiety) si Pia sa mga panahong ito na hindi sila magkasama ng kanyang foreigner boyfriend. Sa tindi ng pagnanasa ni Pia kay Jeremy, idinaan niya sa Instagram ang pagpapalipad hangin, nang pagnanais niyang makapiling uli ang dyowa agad-agad. Nag-post si Pia ng black & white photo nila ni Jeremy na kuha sa isang formal event. Masaya ang dalawa sa photo na nasa aktong naglalambingan. Ito ang naging basehan ni Pia para maitulay ang pananabik na makasama uli si Jeremy. “My cool and calm. Ending this crazy week with this throwback pic. Miss you @jeremyjauncey!” sabi ni Pia. Sa naging reply ni Jeremy, mas lalong pinahirapan si Pia at pinasabik ng matindi. Sabi niya, “My little girl. I love you.” Hindi kataka-takang mas lalong nangatal si Pia sa kilig at ngayon pa lang gusto na niyang hilahin ang mga araw para...

Boobs ginawang unan, legs pinanggigilan: Kobe, Erika lambingan to da max sa IG

Image
Halatang nasabik sa isa’t isa, hindi napigilan ng rumored lovers na sina Erika Rae Poturnak at Kobe Paras na iparamdam ang init ng kanilang pagmamahalan. Muli ngang nagkasama ang dalawa dahil nagdiwang ng kanyang kaarawan nitong Lunes si Kobe. “On the run,” caption ni Erika sa kanyang latest Instagram post. Sa isang photos ay makikitang magkasama ang dalawa habang nasa West Hollywood, California. May isang photo rin na kitang nakahiga si Erika sa malambot na kama at kahit naka-jacket ay tila wala namang suot pang-ibaba kaya masisilayan ang pamatay nitong legs. Mas lalong makikita sa kanyang IG stories ang masaya at sweet nilang pagmamahalan. Doon ay may photo na kinikiss si Erika ni Kobe at mahigpit ang kanilang yakapan. May video na napapatalon pa si Kobe sa tuwa nang muling makita si Erika. Sigurado namang mapapa-sana all na lang ang mga netizen sa isang IG story kung saan kitang nakadantay ang ulo ni Kobe sa dibdib ni Erika, habang ang isang kamay naman nito ay hinahaplos-haplo...

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada

Image
Maihahalintulad na rin si Andrew E. kay President Bongbong Marcos, at Vice-President Sara Duterte, at puwedeng-puwer rin lalo na kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao. Ang dating ngayon ni Andrew ay parang Hollywood A-list star, na sa tuwing dadalo sa mga event ay pinagkakaguluhan talaga. Sa ginawang show ni Andrew sa isang close venue sa Calgary, Canada, makikitang hindi lang dalawa ang entourage niya, kundi isang batalyon. Masisilip sa video post sa Instagram ang paghahanda ni Andrew para sa pagpasok sa venue. Nang maipakilala na siya ng host, pagpasok sa backstage ay isa-isang sumunod ang entourage niya na nakasuot ng white t-shirts uniform. At ang iba ay naka-jacket na may Philippine flag design. Parang nakita namin ang eksenang ito ni Andrew kina PBBM, VP Sara, at Pacman, na palaging napapaligiran ng mga bodyguard. Well, super sikat na nga ulit si Andrew ngayon, mula nang mag-viral ang mga performance niya sa kampanya ni PBBM noon. Mahirap na nga namang dumugin siya, lalo na s...

Oczon, Saint Benilde reresbakan Perpetual

Image
Mga laro ngayong araw: (FilOil EcoOil Centre) 12:00nn — Perpetual vs CSB 3:00pm — Lyceum vs EAC SUSUBUKANG maipaghiganti ni Miguel Andre Oczon ang De La Salle-College of St. Benilde Blazers kontra sa nagpatalsik sa kanila patungong Final Four noong nagdaang season na University of Perpetual Hel System Dalta Altas 98th National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City Martes ng hapon. Nagbabaga ang opensiba ng 22-anyos na ikalawang taong lumalaro sa Taft-based squad kasunod ng paglipat galing National University Bulldogs noong isang taon. Bumira ito ng game-high 25 puntos sa 7-of-14 shooting at 7-of-7 sa free throw line para ibigay ang 2-0 marka sa Saint Benilde laban sa San Sebastian College-Recoletos Stags noong Sabado, 100-94. Maghaharap ang CSB Blazers at Perpetual Altas (1-1) sa pambungad na laro sa alas-12:00 ng tanghali, habang susundan ng panurpresang Lyceum of the Philippines University Pirates (2-1) at kulelat na season-host Emilio ...

Vhong aarestuhin na sa kaso kay Deniece

Naglabas na ng arrest warrant para kay “It’s Showtime” host Vhong Navarro ang Branch 116 ng Taguig Metropolitan Trial Court para sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ni Deniece Cornejo. Base naman umano sa inilabas na warrant ng korte, maaari namang magpiyansa ang aktor sa halagang P36,000. Nabuhay muli ang mga kaso laban kay Vhong nang katigan ng Court of Appeals (CA) ang paghabol ni Deniece sa aktor. Iniutos ng CA na muling buksan ang mga kasong rape at act of lasciviousness na inirereklamo ni Cornejo. “It was erroneous for the DOJ [Department of Justice] to deny Cornejo’s petition for review on the ground that her statements in the complaint-affidavits are inconsistent and incredible,” ayon pa sa ruling ng CA. Nakatakda naman umanong magpiyansa si Vhong, na itinatanggi na ginahasa niya si Deniece. Hinihintay pa ang isa pang warrant kaugnay naman sa rape case, na hawak naman ng Branch 69. Magugunitang pumutok ang kontrobersiya between Vhong at Deniece noong Enero 2014....

Eraserheads reunion concert kasado na

Kumpirmado nang magkakaroon muli ng reunion concert ang sikat na bandang Pinoy na Eraserheads nang maglabas na ang grupo ng official poster nito. Nag-post si Marcus Adoro sa kanyang Instagram ng teaser poster na kalakip ang mga detalye ng paparating nilang concert. Tatawagin itong “Huling El Bimbo 2022”. “Tickets on sale soon!” base pa sa post ni Marcus kung saan magkakasama sila muling mag-jamming nina Ely Buendia, Raimund Marasigan at Buddy Zabala. Ayon sa post, magaganap ang concert sa December 22, 2022 sa SMDC Festival Grounds sa Parañaque City. May ginawa ring Instagram, Facebook at Twitter account para sa naturang event para sa mga nais makuha ang detalye ng concert. Hanapin lang ang Huling El Bimbo 2022. “Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko?” post pa sa official IG account ng event. Huling nagsama-sama sina Ely, Raimund, Marcus at Buddy noong March 7, 2008 sa SM MOA Concert Grounds na tinawag na “The Final Set”. Nauna nang umugong ang usapan ng reunion nila noong ca...

Go sosyo pang-6 sa ADT golf

Image
SUMALO si Lloyd Jefferson Go sa dalawang Thai para sa pang-anim na puwesto na may premyong $2,193.33 (P125K) bawat isa sa 11th Asian Development Tour 2020-23 Leg 13 $70K (P4M) OB Golf Invitational nitong Setyembre 13-16 sa Jababeka Golf and Country Club sa Sertajaya, Indonesia. May eight-under par 272 ang Pinoy parbuster mula sa Cebu sa mga round na 70-66-67-69, sa 112-player, 72-hole, four-day golfest na pinamayagpagan ni Suteepat Prateeptienchai ng host country laban kay Ervin Chang ng Malaysia, 261-262, at kopoin ang $12,250 (P702K). Inalat naman ang lima pang pambato ng ‘Pinas na mga sumablay sa cut na kaya bokya premyo na sina Rupert Zaragosa (tabla sa pang-55 posisyon), James Ryan Lam (humalo sa pang-63), Ira Christian Alido (humanay sa pang-69), Fidel Concepcion (salo sa pang-76) at Eric Gallardo (sosyo sa pang-86). Habang pahinga muna si Go, reresbak sina Zaragosa, Lam, Alido, Concepcion at Gallardo sa Leg 14 $100K (5.7M) Combiphar Players Championship sa Indonesia pa rin sa...

Fajardo, Gilas mag-aamuyan

Image
MAGTATAKTAK ng kalawang at sebo ang ilan sa mga miyembro ng Pilipinas national men’s basketball pool sa balik-training ngayong Lunes ng gabi sa Meralco Pasig gym bilang paghahanda sa 19th International Basketball Federation 2023 Asian Qualifier November window. Umpisa alas-8:00 ng gabi-alas-10:00 ng gabi ang ensayo ng na pangungunahan nina six-time Philippine Basketball Association Most Vluable Player June Mar Fajardo at reigning PBA MVP Earl Scottie Thompson. “This isn’t just for the November 10 and 13 window, it’s also looking forward to the 2023 FIBA World Cup,” ani Samahang basketbol ng Pilipinas deputy executive director Butch Antonio nitong Sabado. Ang kada Lunes na ensayo ay upang maihanda ang mga bubuo sa Gilas sa sandali na mapili para sumabak sa aksyon sa tuwing may tawag ng tungkulin para sa bansa, kabilang ang FIBA World Cup window sa Jordan at sa Saudi sa Nobyembre. Tatlong University Athletic Association of the Philippines sa katauhan nina Carl Tamayo ng UP, Kevin Qui...

Arci nagpasilip ng ‘bulaklak’

Image
Maluluma ang mga barako ng showbiz kay Arci Munoz, kung paastigan lang ng tattoo ang pagu-usapan. Tiklop ang sinumang astig na may mga tattoo kay Arci. Hindi na bago sa aktres ang mga tattoo sa katawan dahil litaw naman ito sa leeg, kamay niya. Pero hindi sa binti, na ikinaloka ng kanyang mga tagahanga. Sa latest Instagram post ni Arci, binahagi niya ang tattoo na sunflower sa likod ng binti. Hindi malala ang nasabing tattoo dahil maliit lamang ito na tamang-tama sa kanyang binti. Ang nakakaloka lang sa mga netizen, sa tuwing magpu-post ng kanyang tattoo si Arci parang laging bagong lagay lang ito sa kanyang balat. Asahan pa ang mga susunod na pagpapakita ni Arci ng iba pa nyang tattoo, kapag nagsawa na sya sa pagpu-post ng iba pang mga luma nyang skin art. (Rey Pumaloy) The post Arci nagpasilip ng ‘bulaklak’ first appeared on Abante . from Abante https://ift.tt/xzWgAbC via IFTTT

Kim napundi, nanutok ng baril sa mga nagvi-videoke

Mabilis palang mag-init ng ulo ng aktres na si Kim Rodriguez kung siya ay pagod sa trabaho. Sa bahay na lang siya nakakatikim ng kapayapaan ng isip. Kaya kapag nataon na may kasiyahan kunwari sa kapitbahay, at may malakas na videoke, aba’y matakot na kayo kay Kim. Malamang na labasin kayo nito at tutukan ng baril para hindi na makapambulahaw. “Nakita niyong pagod at puyat ako kaka-report kay heneral, tas kantahan kayo ng kantahan sa labas — Xandra,” caption ni Kim sa kanyang IG post. Nakahiga na sa kama ang aktres, at hawak ang isang baril ay nakatutok ito sa mga netizen. “Prepping for our fight scene,” paglilinaw naman ng aktres. In character mode nga kasi si Kim sa kanyang role sa “Darna” ng Kapamilya network. Yes, acting lang po ang post na iyon ni Kim. Malabo itong mangyari sa totoong buhay. Marami ang makaka-relate sa post na ito ni Kim dahil uso talaga sa Pilipinas ang may videoke kapag may handaan sa isang tahanan. Kesehodang pagkaganda-ganda ng boses ng kumakanta, or bo...

Vhong, Ion, nakipag-showdown sa BGYO

Image
Hindi talaga magpapahuli pagdating sa talent ang P-Pop groups at isa na nga diyan ang BGYO na talaga namang pinatunayan na sila ang ‘Aces of P-Pop’ sa pasabog nilang performance sa “It’s Showtime” kamakailan. Guest ang grupo sa Kapamilya noontime show na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, at iWantTFC, kung saan opening production number ng latest single nilang “Tumitigil ang Mundo” ang inihatid nila sa viewers. Sa umpisa ng prod, isa-isang ipinakilala ang bawat miyembro na sina Akira, Gelo, JL, Mikki, at Nate habang sumasayaw nang freestyle. Todo-bigay din sila sa live na pag-awit kahit na ang hirap ng choreography ng kanta nila. Dahil diyan, todo puri ang hosts ng “It’s Showtime” sa grupo sa pangunguna ni Vice Ganda. Sey niya, “Para tayong dinalaw ng bagyo rito diba! Ang lakas ng datingan ng sayawan at kantahan. Ang ganda-ganda ng kanta niyo.” Siyempre, dahil nga impressed ang mga host, ‘di nila naiwasang makipagkulitan sa BGYO, at isa-isa pang pinas...

Karera Tips Ni JP Gonzales

Image
Setyembre 18, 2022 – Linggo / San Lazaro Leisure Park – Carmona, Cavite R01 – 3 Good Reason, 8 It’s A Deal, 9 Victorious Passion, 10 Christiano R02 – 2 Secretary, 3 Rough Cut, 4 Jaguar R03 – 3 Bisyo Mag Serbisyo, 9 Chef Kat, 4 Emperor Angel, 2 Skyscraper R04 – 6 Radio Bell, 1 Gomezian, 2 Enigma Uno R05 – 10 Early Bird, 1 Señorita, 3 Under Pressure, 8 Victorious Princess R06 – 5 Shastaloo, Entry 1 R07 – 7 Gentle Giant, 2 Indelible Quaker, 9 Our Secret, 11 Hunky Dory R08 – 5 The Prize Is Yours, 1 Step Bell, Entry No. 3, 4 Anyare R09 – 3 Gusto Mucho, 4 Best Regards, 2 Palibhasa Lalake, 9 Raintree Starlet R10 – 10 Baby Boss, 4 Salugnon, Entry No. 1, 8 Shankara R11 – 2 Star Of Kidapawan, 5 Gossips, 1 Exceptional, 6 Lord Luis R12 – 1 Flattering You, 6 Speed Fantasy, 7 Tiger Boy, 4 Liquid Gold R13 – 9 El Mundo, 8 My Sweet Lord, 12 Joel Purama, 2 Arrogante Solo Pick: Secretary, Radio Bell Longshot: Star Of Kidapawan The post Karera Tips Ni JP Gonzales first appeared on Abante...

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

Image
KABILANG si Shastaloo sa anim na kabayong susubok tumakbo sa pinakamahabang distansiya sa history ng karera na gaganapin sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite. Pakakawalan ngayong araw ang Imported/Local Challenge Race na may habang 2,400 metro kung saan ang nasabing event ay pagpupugay kay Henry Cojuangco. Makakatagisan ng bilis ni Shastaloo na rerendahan ni star jockey Jeffril Zarate sina Time For Glory, magkakamping American Factor at Tony’s Love at magka-kuwadrang Starinmydreams at Downsideprotection. May P1M guaranteed prize ang ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, puntirya ng kuwadra ng anak nina Algorithms at Water Park na si Shastaloo na masilo ang P600,000 permyo. Maliban sa nabanggit na stakes race, ang ibang tampok na karera na inihain ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ay ang 2022 Philracom Lakambini Stakes Race at Road To Juvenile Stakes Race. Suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon ang 13 karera...

Julie Anne, Rayver lantaran kung maglambingan

Kasado na ang first ever concert together ng rumored lovers at mga Kapusong sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz. Ang “JulieVerse” concert ay gaganapin sa Nobyembre 26 sa Newport Performing Arts Theater. Marami raw kasi ang nabitin noong mag-guest si Rayver sa “Limitless” ni Julie Anne lalo pa at sobra ang pakilig ng dalawa sa mga fans. Kaya para talaga sa kanila ang concert na ito. “This time they will see more of Ray din,” ani Julie Anne sa panayam ni Aubrey Carampel. “Actually ako first ever talagang like concert talaga na ganito kalaki for me. Eh siyempre kasama ko naman siya (Julie Anne) so confident ako kasi siya rin ‘yung teacher ko eh. So thank you, Anne!” say naman ni Rayver. Nag-post din si Julie Anne ng mala-teaser poster ng “JulieVerse” concert sa kanyang Instagram kung saan makikita ang dalawang kamay na magkahawak. Isa sa mga kamay ay naka-tag kay Rayver. “Lezgooo,” caption dito ng singer. Heart, fire at flying kiss emojis naman ang reply dito ni Rayver. Nag-kis...

Liza, Newton BFF na ang turingan

Nakatagpo ng bagong BFF o best friend forever ang aktres na si Liza Soberano sa katauhan ng Hollywood star na si Kathryn Newton. Nagkapalagayan ng loob ang dalawang magandang aktres nang magkasama sa shoot ng “Lisa Frankenstein”. Sa isang Instagram post ni Kathryn kamakailan, nagkomento roon si Liza. “Thank u to our Orange Whip Grips #LisaFrankenstein,” post ni Kathryn. Tumugon naman ng tatlong heart emoji si Liza, tanda na sobrang love nito ang post ni Kathryn. Nag-reply pa dito si Newton, at sinabing, “@lisasoberano sister 4 life.” Tinawag pa nga ni Kathryn na “My loves” si Liza. Natuwa lalo ang mga netizen at mga fan ni Liza na higit sa pagkakaroon ng kanyang unang Hollywood movie, naging matibay pa ang samahan ng dalawa. Marami na ring kumakalat na photos mula sa kani-kanilang IG stories mula sa shooting ng “Lisa Frankenstein” na kasama ang ibang cast nito gaya nina Cole Sprouse, direktor nito na si Zelda Williams, producer nito at ang production team. Last day na ng shoot...

Let the #AweSMfoodtrip at SM

Image
Let the #AweSMFoodtripAtSM experience be bigger as we highlight the giant display of Grand Seafood Paella shaped as the map of Capiz to represent the Seafood Capital of the Philippines in honor of this month’s delightful food festival at SM City Roxas. The first Bugal sang Banwa exhibition runs from September 16 to 18 at the Event Center, highlighting the ecotourism destinations, food, and culture of the Municipality of Ivisan. Presented to you by Mayor of Ivisan, Felipe Neri Yap, the Municipal Tourism Office of the Municipal Government of Ivisan, in collaboration with the Provincial Tourism and Cultural Affairs Office of the Provincial Government of Capiz. The post Let the #AweSMfoodtrip at SM first appeared on Abante . from Abante https://ift.tt/1DwkVAo via IFTTT

PCC hinigpitan bentahan ng kompanya

Image
Obligado ang mga kompanyang magkakabentahan o bibili ng iba pang mga kompanya na itimbre ito sa Philippine Competition Commission (PCC) kung nasa P2.5 bilyon ang halaga ng parent company ng isa sa mga kasama sa transaksiyon o kung ang kita at mga ari-arian ng bibilhin ay P6.1 bilyon. Ayon sa PCC, ang mga bagong threshold ng size of party transaksyon na P2.5 bilyon o size of transaction na P6.1 bilyon ay epektibo na kahapon. Dalawang taong nasa P50 bilyon ang threshold sa tinatawag na compulsory notification dahil sa Bayanihan 2 na natapos na nitong Setyembre 15. Kinuwenta ng PCC ang bagong threshold kung saan ginamit nitong basehan ang nominal gross domestic product growth o ang paglago ng ekonomiya, kasama na ang pag-urong nito nang magkaroon ng pandemya. Para sa mga kompanyang magkakabentahan o magkakabilihan na hindi sakop ng P50 bilyong threshold dahil sa Bayanihan 2 ay maaaring hingin ang kompirmasyon ng PCC at magsumite ng kanilang mga kasunduan na pinirmahan bago mag-Setyemb...

Mga e-sabong operator, regulator tutulong para mapaunlad industriya

Image
MAS mainam na magtulungan ang mga regulator at ang mga operator ng e-sabong para mapaunlad ang industriya sa bansa, ayon sa isang gaming technology executive. Sa isang panayam, sinabi ni Jade Entertainment and Gaming Technologies, Inc. Chief Executive Officer Joe Pisano na nakahanda ang kanyang kompanya na makipag-ugnayan sa mga mambabatas para makatulong sa pagtugon sa panawagan ng publiko hinggil sa e-sabong. “We’re happy to work with the lawmakers. I believe there’s a lot we can contribute to help form regulations and to help drive away the illegal [operators],” sabi ni Pisano. “At the moment the government’s losing, the community is losing, and it’s something we can do together to help build the industry. The Philippines is the hub for gaming now…nothing makes us happier than to work with the regulators to help grow the e-sabong industry,” dagdag pa niya. Iginiit pa ni Pisano na ang e-sabong ay dapat na ituring na tulad ng ibang sport dahil may kapareho itong set of rules at me...

Masaya ang Pasko: Maine may bagong ‘baby’

Image
100 days na lang at Pasko na! At nauna na ngang bumati sa social media ang mga Eat Bulaga host. Heto nga ang kanilang mga chika: “Ano 100 days to go na lang, Christmas na? Grabe! Sandali magi-empake muna ako ng mga Christmas gifts!” sabi ni Allan K. “100 days to go na lang Pasko na. At ang goal ko, plans ko talaga ay maka-attend sa Christmas party as a dabarkads! Sana umabot!” sabi ni Miles Ocampo. “Ang favorite ko talaga Christmas. Pag Pasko na todo-todo ang paghahanda ko, but this times 3 ang paghahanda ko dahil kumpleto kaming magkakamag-anak,” sabi ni Maja. “Extra special ang pagpahahanda namin dahil bago dumating ang napakasayang buwan ng Disyembre, paghahandaan muna namin ang pagdadalaga ni Ate Yohan!” sabi ni Ryan Agoncillo. “Actually wala pa, pinaplano ko pa lang ‘yung malaking ribbon sa bahay. Anong design? Kinakausap ko na `yung tagagawa. Malamang sa malamang sa bahay lang kami. Like we always do for Christmas, sama-sama kami mga taga-Cavite, taga-Cabanatuan!” saad ni ...

K Brosas tapos na problema sa bahay

Image
Sa wakas nakalipat na rin si K Brosas sa pinatayong bahay, after ilang taon itong natengga. Matatandaan na nagka-issue nga, na umabot pa sa demanda ang sitwasyon nila ng contractor, dahil bigla na nga lang daw itong hindi na nagpakita sa kanya, at tinangay pa ang ang P7M na dapat sana ay nakalaan para sa bahay. Sa tweet nga ni K ay binalita niyang nakalipat na siya sa wakas sa naturang bahay. “Naka-move in na officially keme!” sabi niya. “Sensya na bathroom ko pa lang ang super-ayos hehe. Madami pang gamit na nakakalat kaya haggard. Thank you Lord,” sabi pa ni K. Nagpasalamat din si K sa kanyang architect na tumulong sa kanya para matapos ang kanyang bahay. Hindi naman nakapagtataka na natapos din agad ang kanyang bahay dahil sa dami niyang raket. Dalawa ang programa niya sa TV5 at madalas na rin siyang mag-concert abroad, ha! (Rb Sermino) The post K Brosas tapos na problema sa bahay first appeared on Abante . from Abante https://ift.tt/pRm9IBb via IFTTT

Matteo malagkit kung tumitig kay Sarah

Mistulang hindi pa rin makapaniwala si Matteo Guidicelli na nabihag niya ang puso ng nag-iisang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo. Kaytamis din ng pagbati nito sa kanyang misis sa kanilang ika-9 na taon mula nang makuha niya ang matamis na oo ng singer. “9 years with the love of my life. (Heart emoji) I love you. @justsarahgph,” ani Matteo sa kanyang Instagram reel post. Holding hands while walking at matatamis na tawanan habang nag-uusap ang celebrity couple. Kita rin ang ningning sa mga mata ni Matteo habang malagkit na nakatitig sa asawang si Sarah na masaya sa piling nito. Aminado si Matteo na noon pa man ay patay na patay na ito kay Sarah. Matapos nga ang break-up nito noong 2012 kay Maja Salvador, gumawa na ng paraan ang aktor upang makadaupang palad ang Popstar Royalty. Kinuntsaba nito si Billy Crawford upang ipakilala ito sa kanya, at nakipila sa mga fans habang nasa Batangas si Sarah sa isang event. Naging maingat noon ang dalawa na itago ang kanilang relasyon dahil sa...

ARTablado presents ‘Perpetual Flux’ at Robinsons Galleria

Image
Art, strangely and skillfully, finds a way of seeping into people’s lives. Think this over. In the case of a few members of this art group who were fine arts graduates from the College of Holy Spirit, their art inclinations used to be dormant since they were busy being professionals in their chosen fields or raising a family. But when the pandemic hit, these individuals needed something to cope with the bleakness of the situation, and art was there all along. They decided to take up painting again and become part of an art group formed in the first half of 2020 called ARTfinity which has two ongoing exhibitions. One is billed as “Perpetual Flux,” which is on view until Sept 30 at ARTablado, Level 3 of Robinsons Galleria. It features around 66 works of the 13 members of ARTfinity. Each piece shows their individualism and spontaneity. The other exhibit is on view until the end of October at Café Summit Ridge in Tagaytay titled “ARTfinity: Unfiltered.” Valerie Teng had her first solo...

Abante Front Page | Balita ngayong September 16, 2022

Image
from Abante https://ift.tt/nGuZNYX via IFTTT

Janice inalay ‘Sugat sa Dugo’ sa mga AIDS victim

Image
Walang kayabang-yabang si Janice de Belen, na sinasabi niya, na hindi siya kampante, o hindi niya puwedeng sabihin na magaling siyang artista, na bawat proyektong gagawin niya ay may katumbas na award. Gulat na gulat nga si Janice nang manalo siya ng best actress award sa festival sa Manhattan dahil sa pelikulang ‘Sugat Sa Dugo’. Katuwa nga si Janice, na palaging kinukontra kapag sinasabihan siyang magaling siyang artista noon pa man. “Ayokong sabihin ‘yon. Hindi ko alam. Hindi naman siguro,” sabi niya. Pero sa ‘Sugat Sa Dugo’ na puro baguhan ang kasama niya, tulad nina Khai Florez, Shira Tweg, hindi ba siya nagdalawang isip? “Noong in-offer sa akin ito ni Bambbi (Fuentes), hindi ko alam dahil pandemic, na gusto ko ring ipaalam na may iba pang sakit na dapat isipin. Baka nakakalimutan lang ng mga tao. “Marami akong kakilala na puwedeng magkaroon ng ganito,” sabi ni Janice. Ang ‘Sugat Sa Dugo’ ay tungkol sa AIDS. At gusto ngang ipaalam ni Janice, na nandito pa rin ang sakit na i...

Dollarama makikilatis

Image
LIMANG matitikas na kabayo ang kikilatis kay Dollarama sa Philracom Rating Based Handicapping System na ilalarga ngayong araw sa Metro Turf sa Tanauan City, Batangas. Markado si Dollarama na sasakyan ni class A rider Rodeo Fernandez, kaya inaasahang mapapalaban ito sa distansyang 1,200 metro. Makikipagtagisan ng bilis si Dollarama kina Wessfacckol, Charm Luck, Kid Kenshin, Winsome Maxxine at Adarna sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon. Nakalaan ang garantisadong premyo na P15,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, habang may karagdagang P5,000 ang hahamigin ng winning horse owner. Samantala, pitong karera ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw kaya masisiyahan muli ang mga karerista sa kanilang pananaya. (Elech Dawa) The post Dollarama makikilatis first appeared on Abante . from Abante https://ift.tt/m4qNGWK via IFTTT

Zephanie bet maka-‘biritan’ si Julie Anne sa concert

Image
Anim na buwan pa lang si Zephanie sa GMA, pero ang dami na raw niyang kaibigan. Lalo na raw sa mga taga-‘All Out Sundays’ na nakakasama niya tuwing Linggo. “Hindi ko makakalimutan ‘yung nakasama ko si Ate Julie (Anne San Jose). Pati si Ate Gabbi (Garcia). Pero, yung ‘Limitless’ hindi ko makakalimutan, kasi iba talaga ang performance ni Ate Julie roon. Sobrang bumilib talaga ako. “Na-pressure talaga ako na naging part ako ng prod number na `yon. Sobrang galing nila. “Hindi ko rin makakalimutan na sobrang bait sa akin ni Kuya Rayver (Cruz). Pag nagkikita kami, nag-uusap talaga kami about life, career. Lahat po sila very kind and generous pagdating sa wisdom na maibibigay nila sa akin, na makakatulong sa akin,” sabi ni Zephanie. Anyway, goal ni Zephanie na magka-concert, kahit next year na, pag siguradong safe na. At siyempre, naghananap na rin sila ng bagong kanta na magagamit sa bago niyang album. At if ever, bet niyang maka-collab, maka-biritan si Julie Anne sa isang concert. “S...

7-Stag Big Event Derby ni JP Dragon Jr sakalam

Image
PANGLIMANG kampeonato ang target ni Ka Rex Cayanong kaya naman lalahukan nito ang “7-Stag Big Event Birthday Derby JP Dragon Jr” na bibitawan sa ruweda ng Manila Arena bukas (Setyembre 17/Sabado). Makikipagtambalan si Cayanong kay JP Yamamoto sa event na may pot money na P220,000 at minimum bet na P220,000 rin para harapin ang mga tigasing cockers at breeders sa Pilipinas. Gamit ang entry name na ‘JP Yamamoto/Sabong On Air’, ang ibang bigtime na kasali sa pa-derby ni JP Dragon ay sina Charlie “Atong” Ang, Edwin Tose, Patrick Antonio, Cholo Violago, Cong. Sonny Lagon, Eddie Bong Plaza at Gerry Ramos. Ngayong araw ang pasahan ng timbang ng manok at ang makakasali lamang ay may timbang na 1.7kgs hanggang 2.150kgs at WPC Local-banded, hindi puwede ang mga hennies o binabae. Para sa ibang detalye makipag-ugnayan kay Marie (09173227432) at para sa pasahan ng entries ay kina Nelia (09150964131/09636332134), Paula (09638900723), Jocyl (09451491719), Shamela (09663351576) at Angela (095166...

Pag-IBIG urges employers with unremitted contributions to avail of penalty condonation

Image
Top executives of Pag-IBIG Fund urged employers with unremitted contributions for their employees to avail of the agency’s penalty condonation program and settle their obligations – both prior and during the pandemic – free from any monthly penalty charge on delayed remittances. “We at Pag-IBIG Fund recognize the significant role that the business community plays in allowing Filipino workers to gain Pag-IBIG membership, and in helping our nation continue to recover from the pandemic. That is why we are providing the means for employers to settle the unremitted Pag-IBIG contributions of their employees free from penalty charges. With this program, we expect more Filipino workers to enjoy the benefits of being a Pag-IBIG member in line with the call of President Ferdinand R. Marcos, Jr. to provide a better life for all Filipinos,” said Secretary Jose Rizalino L. Acuzar of the Department of Human Settlements and Urban Development and Chairperson of the 11-member Pag-IBIG Fund Board of T...

Marco bibida sa Singapore serye

Image
Nakahinga nang maluwag at excited na si Marco Gumabao na finally ay puwede na niyang isapubliko ang proyektong kanyang tinatrabaho sa Singapore. Napili pala ang aktor bilang bida sa isang serye na shinoot sa naturang bansa katambal ang Malaysian na si Tess Pang. Inilabas ni Marco ang poster ng seryeng “The Girl He Never Noticed” sa kanyang Instagram. “It’s finally out!!! I’ve been trying my best to keep this a secret for the past few months, but here it is! “@sweetdreamer33_xoxo’s biggest hit novel The Girl He Never Noticed will be airing on @mewatch.mediacorp this Sept. 20! Ito umano ang dahilan kaya siya nagtungo sa Singapore, at naging quiet muna habang nasa in the works pa ang pang-international niyang serye. “This was the project we were working on when I was in Singapore, and I’m so honored because they chose me to play the part of Eros Petrakis. Get ready to meet the billionaire badass soon #TGHNN,” say pa ni Marco. Mapapanood na nga sa streaming app na MeWatch sa Setyem...

John ‘di bet lumaya sa face mask

Image
Dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng tinatamaan ng COVID-19 virus sa bansa, niluwagan na ng gobyerno ang ilang health protocols, kabilang na ang pagsusuot ng face mask. Hindi na nga mandatory ang pagsusuot nito maliban na lang kung nasa mataong lugar. Sa kabila ng tila magandang balitang ito, hindi pa rin kampante si Kapamilya actor John Arcilla. Patuloy pa rin umano siyang magsusuot ng face mask. “May regulasyon man o wala ay pipiliin kong siguraduhin na ligtas ang aking sarili sa virus at isaalang-alang ang kalusugan ng iba lalo na ang mga matatanda at pamilyang uuwian ko. Isusuot ko ang face mask sa labas man o loob ng gusali maliban sa sarili kong tahanan para pangalagaan ang lahat,” ayon sa post ni John sa kanyang Instagram. Noong kasagsagan ng pandemya, ilang kamag-anak ni John ang nasawi dahil sa virus na ito, gaya ng kanyang kapatid. Kaya marahil sa sobrang traumatic nito sa kanya, mas lalo siyang naging health-conscious. “Mas higit na ayaw kong magdusa sa pagkakasakit...

Vice Ganda nangabog sa sariling bersyon ng ‘Moon’

Image
Saan ka punta? Sa mga mahilig sa okrayan, palaging sagot ay “to the moon”. Buhat ‘yan sa sikat na kantang “Moon” ni Nik Makino featuring Flow G. Pero may sariling atake ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa naturang hit song. Nagkaroon kasi ng biglaang rap battle sina Vice, Vhong Navarro, Ogie Alcasid at Kim Chiu sa “It’s Showtime”. Dito ay ipinarinig ni Vice ang sariling bersyon niya ng “Moon” “San ka punta? To the moon. Road trip. Broom-broom. Ganda ko’y boom-boom. Kahit pa i-zoom-zoom!” pagkanta pa ni Vice. Napa-palakpak naman ang audience sa pagra-rap ni Vice. Ang bilis talaga nitong mag-isip! Gandang-ganda nga sa sarili ang komedyante. At hindi siya takot kahit pa i-zoom ang camera sa kanyang mukha para makita if makinis ba talaga ito. Kaya nga patay na patay sa kanya si Ion Perez. May 6.3 million views na sa YouTube ang “Moon” ni Nik mula nang i-upload nitong Marso 2022. Wala pang official music video ang naturang kanta kaya marami ang nag-aabang dito. (Batuts Lopez)...

Juday, Rico Yan love team binuhay ng Star Cinema

Image
Biglang nabuhay ang mga fan nina Judy Ann Santos, at ng namayapang aktor na si Rico Yan, ang ‘Kaytagal Kang Hinintay’, ha! Nag-post nga ang b617management, na muli ngang ipalalabas ang movie na ito nina Juday, Rico. “ABS-CBN Sagip Pelikula presents the digitally restored & remastered Kay Tagal Kang Hinintay (1998), directed by Rory B. Quintos, from the story of Mari Mariano, and from the screenplay of Olivia M. Lamasan and Mari Mariano. “Join us on September 22, Thursday at 7:30 PM for the digital premiere of the restored version on KTX.PH!” sabi sa IG post. At bongga nga dahil may special Spotlight Interview kay Judy Ann bilang pre-show! Agad-agad nga ng nag-react ang mga Juday-Rico fan, na naalala nila kung paano sila kiligin noon sa dalawa. At handang-handa nga raw silang panoorin ito muli nang paulit-ulit, lalo at mas pinaganda na ang quality ng movie. “My second movie with Star Cinema and Ms. Judy Ann!” pagbalik alaala ni Nikki Valdez. “Nakaka-miss si Rico Yan! This is...

Mikee nagpapraktis nang magka-baby

Image
Excited nang mag-alaga ng sanggol si Kapuso actress Mikee Quintos. Ipinakita niya ang kahandaan sa kanyang Instagram post. “Hello hello baby! I’ll be practicing with gummi while we wait for youuuu,” caption ni Mikee sa IG post niya. Kasama niya sa photo ang panganay niyang kapatid na si Louisa Quintos, na buntis ngayon. Mistulang pinakikinggan pa ni Mikee ang bata sa sinapupunan ng kanyang ate dahil sa kasabikan na makita na ito. At habang wala pa nga ang kanyang pamangkin, si Gummi muna, ang kanyang aso, ang kanyang pagpapraktisan. “Congratulations! U will be a cool aunt,” komento naman ng aktres na si Gladys Reyes. Medyo pa-sexy din ang post ng aktres habang kalong ang kanyang alaga dahil naka-red one piece swimsuit pa siya rito. Si Paul Salas ang rumored boyfriend ngayon ni Mikee. Sa isang vlog ng aktor, binati niya si Mikee ng “happy anniversary” at bumati naman pabalik ang aktres. Sa nakaraang GMA Gala Night ay sila nga ang magka-date dahil nag-yes si Mikee sa proposal ni ...

Tagumpay ang book launching ng sagot sa kagutuman

Image
Naging succesful ang launching ng librong naglalaman ng mga makabagong teknolohiya at organikong pamamaraan ng pagsasaka na magsisilbing sagot sa kagutuman sa bansa. Ang launching ng libro na may tittle na “Leave Nobody Hungry” ay sinulat o akda ng dating Reporter ng Manila Bulletin na si Virginia R. Rodriguez ay ginanap sa Maynila Ballroom ng Manila Hotel nitong Lunes ng tanghali. Nagbigay ng napakagandang virtual message si Press Sec. Trixie Cruz Angeles sa pasinaya ng libro. Umaasa sa Sec. Angeles na makakatulong ng malaki sa milyun-milyong Magsasaka sa bansa ang nilalaman ng libro para mapataas ang kanila ani. Personal naman dinaluhan ni Atty. Alex Lopez, Dr. Eliseo Ruiz, Chief and Executive Officer at former Pres. ng CLSU; Asec. Antonio Molano, CouncilorJoey Amzola; Councilor Pablo Ocampo; P/Gen. Andre Dizon, hepe ng MPD at iba’t-ibang LGU’s, NGO’s; Businessman at mga estudyante. Ayon sa may akda ng libro na si Rodriguez, nais niyang makatulong sa administrasyon ng Pangulon...

Ate Vi muntik madulas dahil sa apo

Image
Kamuntikan nang madulas ang Star for All Seasons na si Vilma Santos sa sarili niyang vlog sa YouTube kasama sina Luis Manzano at Jessy Mendiola dahil sa paparating niyang apo. Naglaro kasi sila ng “category challenge” kung saan bubunot si Luis ng letters at iisip sila ng mga word starting with it, pero may kaugnayan sa mga baby. Sa isang category kung saan baby names na ang iisipin nila, nabunot ni Luis ang letter V. “Vilma!” agad na sigaw ni Ate Vi. Which is hindi naman puwede na katukayo niya ang apo. So binago niya ito at ginawang Velvet. Vina naman ang sagot ng aktor. Nang turn na ni Jessy, aniya, “Violet. Violet Rose Tawile Manzano.” “Mas maganda (ang sagot). Maganda ‘yung kanya, flower. Talo tayo du’n,” ani Luis. Na sinang-ayunan naman ni Ate Vi. Posible kayang iyon na ang magiging name ng baby nila Jessy at Luis? Sa gender reveal kasi na ginanap kamakailan, babae ang magiging anak nila. “Oh my gosh. Nag-reveal na kayo ng name, ‘di ba?” tanong ni Ate Vi. “Hindi pa, hind...

Toni nakapaglalaway ang abs

Image
Hindi maiwasan ng mga netizen na mapokus ang mga mata sa pamatay na abs ngayon ni Toni Gonzaga. Ewan kung sinadya daw ba talaga ng actress-host, pero karamihan kasi sa kanyang OOTD sa launch ng ALLTV ay made to flex her abs. Sa kanyang Instagram stories, lalong tumingkad ang ganda ng tummy ngayon ni Toni. Halatang fit na fit ito at maalaga sa katawan. Kesehodang may anak na ito, si Seve, na malapit na rin ang 6th birthday ngayong buwan. Baka sa sobrang sexy ngayon ni Toni, hiritan na siya ng kasunod ng kanyang asawang si Paul Soriano? Haha! Isa nga si Toni sa naging abala sa pagbubukas ng ALLTV together with Willie Revillame. May production number din siya singing “Levitating” at dito, kita pa rin ang kanyang abs sa suot niya. “Congratulations @alltv! (orange heart emoji). So happy to be back on TV,” post ni Toni sa kanyang IG. Ilang taon na rin kasing hindi napanood sa telebisyon si Toni at mas itinuon ang atensyon sa pagba-vlog. Marami rin ang nag-abang sa “Toni Talks” niya n...

John natuwa sa kumontra, pumitik sa ALLTV

Image
Hinukay mula sa baul ng Kapamilya Online World (kowalerts) ang naging pahayag noon ng former ANC boss na si Jing Magsaysay tungkol sa mga nagtatangkang kunin ang frequency ng ABS-CBN. Ito ay matapos na mag-launch na ang ALLTV, bagong gumagamit ng naturang naturang frequency o channel 2. “You can get the franchise but you will never be ABS-CBN,” pagdidiin ng social media arm sa kanilang Instagram post. Ito ay mula sa pahayag ni Magsaysay noong kasagsagan ng mga haka-haka sa kung sino na ang gagamit ng dati nilang frequency. “A frequency is just a frequency. Content creation is a whole different ball game. Plus, I hope they realize that the audience does not come with the frequency. “You’re going to have to work blood, sweat and tears to build what ABS-CBN accomplished over 34 years plus the years before Marcos stole the channel. You can get the franchise but you will never be ABS-CBN,” ayon sa pahayag noon ng ex-ANC boss. Bakas sa mga nagkomento sa post ng kowalerts na galit sila s...