Posts

Showing posts from August, 2022

Abante Front Page | Balita ngayong September 1, 2022

Image
from Abante https://ift.tt/rLdXf6Q via IFTTT

Pekeng pag-kidnap inamin ng dalagita

Image
Mistulang nabunutan ng tinik ang Police Regional Office (PRO)-8 makaraang lumutang ang 13-anyos na dalagitang unang napabalitang dinukot para aminin na peke at walang katotohanan ang pag-kidnap sa kanya sa bayan ng Naval, Biliran noong nakaraang buwan. Ayon kay Tacloban acting city police director P/Col. Michael Palermo, inamin sa kanila ng dalagita na inimbento lang niya ang pagdukot sa kanya na agad nag-viral sa social media nang i-post niya ito nitong Agosto 20. Sinabi ni Palermo na sa una pa lang ay naghinala na sila sa paiba-ibang salaysay ng dalagita pero kumilos pa rin sila kahit taga-Biliran ito dahil binanggit nito ang San Jose District na sakop ng Tacloban City. Iginiit din ni Biliran Police Provincial director P/Col. Dionesio Apas Jr. na hindi kapani-paniwala ang naunang salaysay ng dalagita na patungo siya sa DSWD sa Naval para humiling ng ayudang pinansyal sa kanyang pag-aaral nang dukutin siya ng kalalakihan sa puting van, inikot siya sa iba’t ibang lugar habang tinut...

Tumagay sa kanto, inatake pagdating ng presinto

Image
Patay ang isang 50-an­yos na lalaki nang atakihin ito sa loob ng presinto ilang oras matapos itong arestuhin kasama ang anim na iba pa dahil sa pag-inom ng alak sa kalsada sa Intramuros, Maynila noong Martes ng gabi. Idineklarang dead on arrival sa Ospital ng Maynila si JC Acuin, residente ng No.463 Legaspi St., Intramuros. Sa ulat, dinakip ng mga tauhan ng Intramuros Police Community Precinct ang grupo ni Alcuin nang maaktuhan silang umiionom ng alak sa kalsada na lantarang paglabag sa Revised Ordinance No. 5555 o drinking liquor in public place bandang alas-sais ng gabi. Kinabukasan, dumaing si Alcuin sa jailer ng pananakit ng dibdib kaya mabilis itong isinugod sa pagamutan pero hindi na ito umabot ng buhay. Wala naman nakitang anumang sugat sa katawan ang biktima na palatandaan na ito ay pinahirapan. (Juliet de Loza-Cudia) The post Tumagay sa kanto, inatake pagdating ng presinto first appeared on Abante . from Abante https://ift.tt/HgoSU56 via IFTTT

Hepe ng pulisya sa Maguindanao sinibak

Image
Sinibak ng Philippine National Police (PNP) si Maguindanao Police director P/Col. Christopher Panapan kaugnay sa nangyaring pananam­bang na ikinamatay ng hepe ng Ampatuan Municipal Police at isang tauhan nito sa nasabing lalawigan noong Martes. Sa inilabas na relief order ni Brigadier General Robert Rodriguez, director ng PNP director for personnel and records management noong Martes, itinalagang kapalit ni Panapan si P/Col. Roel Rullan Sermese mula sa Police Regional Office sa Soccsksargen Region. Nangyari ang pananambang kina Ampatuan Police Chief Lt. Reynaldo Samson at driver nito na si Corporal Salipudin Endab habang patungo sila sa Barangay Kapinpilan para arestuhin ang isang Kamir Kambal na wanted sa patong-patong ng kaso sa nasabing bayan. Bigo ang grupo nina Samson na madakip si Kambal at sa halip ay inambus ang mga ito habang pabalik na sa headquarters. Agad na namatay dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan sina Samson at Endab habang sugatan naman ang mga kasama ni...

Yasmien naloka sa kulit ni Alden

Image
First time na makatrabaho ni Yasmien Kurdi si Alden Richards sa upcoming teleserye ng GMA na Start-Up PH. Akala niya ay seryosong tao si Alden dahil sa mga napapanood niyang mga interviews nito. Pero laking nagulat siya na palabiro rin pala si Alden sa totoong buhay. Sa taping nila ay kapag wala ito sa harap ng kamera, masayahin ito at parang bata kung magbiro sa lahat ng tao sa set. “Yung impression ko sa kanya before parang masyado siyang serious sa mga interviews. Pero actually kapag naka-work mo siya sobrang kuwela pala niyang tao. “Siya ‘yung nagpapa-lighten up nung set, siya yung magalaw sa set. So hindi ko ini-expect kay Alden na ganun siya ka-bubbly,” sey ni Yasmien. Ikinatuwa nga ni Yasmien nang isama siya sa cast ng Start-Up PH. Isa kasing certified K-drama addict si Yasmien at isa sa naging paborito niyang panoorin ang Korean series na Start-Up kaya kilala niya ang lahat ng characters, lalo na ang binigay na character sa kanya na si Seo In-jae na sa Philippine adaptatio...

Sana iginalang si Coach Chot

Image
SA ikalawang pagkakataon mga ka-Abante, naranasan ko ulit masaksihan ang laro ng Gilas Pilipinas sa FIBA. Kakaiba talaga sa pakiramdam kapag napapanood mo na lumalaban ang ating Pambansang Koponan, kitang-kita mo ‘yung puso nila sa laro. Ibang-iba kumpara kung sa tv mo lang makikita. Sa aking pagdalo sa naging laban ng Gilas, narinig at nasaksihan ko rin ang pag-boo ng crowd kay Chot Reyes. Sa totoo lang, parang ako ang nahiya at nasaktan para sa kanya. Alam nyo ‘yung nasa sariling mong bansa ka, pero ‘yung suporta hindi mo nakuha. Ang sakit ‘di ba? Hindi pwedeng balat sibuyas ka dito, balat kalabaw ang dapat meron ka kung ikaw si Chot Reyes. Alam naman natin na marami talaga ang may ayaw sa kanya, gusto ng karamihan na bumaba na ito sa pwesto kaya naman napakalakas ng pag-boo sa kanya sa laro ng Gilas sa MOA Arena. Kahit ipilit natin na sana ibinigay na ‘yun sa kanya at nagpakita ang tao ng respeto, hindi rin talaga pwede. Dahil sa kahit ano’ng anggulo, ang tingin ng basketball ...

Karera Tips Ni JP Gonzales

Image
Setyembre 1, 2022 – Huwebes / Metro Manila Turf Club – Tanauan City Batangas R01 – 2 Sonic Clay, 1 Alalum Falls R02 – 3 Magnitude Eight, 2 Tontoneeto, 7 Kusing, 6 Batang Heroes R03 – 6 Great Connection, 4 Jawo, 2 Andromeda, 3 Prince Uno R04 – 6 Jean Genie, 7 Rain Rain Go Away, 5 Smiling Lady, 2 Bacuit Bay R05 – 6 Kingwash Dirtbgone, 2 Magnum Force, 4 Gee’s Brulay, 3 My Dear Magnolia R06 – 2 The Prize Is Yours, 3 Christiano, 6 Goldbar, 4 Pitong Gatang R07 – 9 Attractive Force, 2 Prime Time Magic, 6 Silver Glow, 7 Grand Laughter Solo Pick: Sonic Clay, Attractive Force Longshot: Kingwash Dirtbgone The post Karera Tips Ni JP Gonzales first appeared on Abante . from Abante https://ift.tt/WIec5ho via IFTTT

Abante Front Page | Balita ngayong August 31, 2022

Image
from Abante https://ift.tt/wfbuCnO via IFTTT

Bongbong pinuri Gilas Pilipinas

Image
MALUGOD na pagbati ang ipinarating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa bumubuo ng Gilas Pilipinas sa kanilang panalo kontra Saudi Arabia 84-46 sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers Lunes ng gabi. “Binabati natin ang Gilas Pilipinas sa kanilang panalo laban sa koponan ng Saudi Arabia sa naganap na FIBA World Cup Asian Qualifiers game kagabi,” pahayag ni BBM sa kanyang opisyal na Twitter account. Nasaksihan nang live ni Pangulong Marcos ang nasabing laro ng Gilas na ginanap sa SM Mall of Asia Arena kung saan ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng oras na manood ng basketball ang Chief Executive. Kumpiyansa ang pangulo na gagawin ng Gilas ang lahat ng kanilang makakaya upang makapag-uwi ng karangalan sa basketball buhat sa naturang torneo na kung saan ay host ang Pilipinas kasama ang Indonesia at Japan sa 2023 FIBA World Cup. “Kumpiyansa tayo na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya para makapagdala ng karangalan sa bansa,” ayon kay Marcos. (Prince Golez) The po...

Sobra na, iba naman

Image
Good day mga ka-Abante at ka-Sarado. Hindi mamatay-matay ang pag-boo at pagpapakita ng protesta ng mga netizen kay Coach Chot Reyes. Umabot na sa mga sari-saring social media platforms. Dati nasa Facebook posts, comments section at pangunahing pahayagan, ngayon nasa laruan o mismo kung saan naglalaro ang PBA o Gilas Pilipinas. May mga dalang poster, placard at tarpaulin pa kung minsan. Ang tanong lang naman, kung sakaling bumaba si Pareng Chot sa pwesto eh meron bang kayang pumalit na subok na? Siyempre hindi na natin pwedeng ibalik si Coach Tab Baldwin dahil wala na rin siya sa MVP group, kung si Coach Nenad Vucinic naman, nag-resign na. Kung sina Coach Tim Cone, Coach Yeng Guiao, Coach Jong Uichico at Coach Norman Black ay nasubukan na lahat. Sino’ng pwede? Kailangan ‘yung may international coaching experience, may programa na suportado ng SMB/MVP Group at higit sa lahat may accountability. Sa ngayon mukhang wala tayong coach na naihanda na pwedeng pumalit kay Pareng Chot. Puro...

Abante Front Page | Balita ngayong August 30, 2022

Image
from Abante https://ift.tt/5rqvJkz via IFTTT

Senglot nanugod; mag-anak minartilyo, sinaksak

Image
Kalaboso ang isang lalaki matapos nitong sugurin, batuhin ng martilyo at saksakin ang mag-anak na nagreklamo sa kanya sa kanilang barangay noong Linggo sa Valenzuela City. Kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 7610 o Child Abuse Law at Batas Pambansa Blg. 6 o illegal possession of deadly weapon ang suspek na si Henry Tanasas, 59, at residente ng Barangay Mapulang Lupa sa lungsod. Samantala, hiniling ng pulisya na huwag ng pangalanan ang mga biktima na dinala sa Valenzuela City Medical Center para magamot sa tinamong sugat. Nasugatan ang mag-asawa nang batuhin ng suspek ng martilyo ang lalaki sa balikat habang sinaksak naman nito sa braso ang babae. Hindi rin nito pinalagpas ang 13-anyos na anak ng mag-asawa at sinaksak ito sa kamay. Ayon kay P/Lt. Jocelyn Ebora, hepe ng Women’s and Children Desk (WCPD), nanonood sa telebisyon ang mag-anak nang sumugod ang suspek bandang alas-siyete ng gabi. Rumesbak ang suspek nang ireklamo ito ng mga biktima sa kanilang barangay dahil sa pananako...

Maggie, Tim nagpakilig sa IG

Image
Aware kaya si Tim Connor kung gaano na siya kasikat sa Pilipinas? Na ang daming babae ang nagugwapuhan sa kanya? Na ang mga fan ni Maggie Wilson ay nakabuo na ng ‘love team’ na TimMaggie. Na akala mo nga ay mga baguhan silang artista na gagawa ng pelikula. Anyway, marami nga ang nagsasabi na sobrang bagay na bagay sina Tim at Maggie. Na kapag magkasama sila ay rumerehistro talaga ang kaligayahan sa kanilang mga mukha. Tulad na lang sa Instagram story ni Tim, na kung saan ay super busy si Maggie na lumalafang, habang si Tim ay nakatitig lang sa cellphone camera. “Learning how to Instagram,” ang chika lang ni Tim. Kaaliw ang eksena na tinanong niya si Maggie kung ‘What will I do?’ na sinagot ni Maggie na parang ‘wala lang’ base sa kanyang hand gestures. Ang cute rin ng mga photo ni Tim na parang ginagaya niya ang mga pose/post ni Maggie, ha! Kaya nga payo sa kanya ng mga faney, dapat may pa-caption, o hashtag siya na #poselikemaggie. Well, mababasa rin ang komento ng mga fan n...

Max gagawa ng pelikula sa Amerika

Image
Nagkaroon ng pa-surprise birthday party para kay Max Collins ang mga kaibigan niya, kabilang na rito ang isa pinakamalapit niyang kaibigan ngayon na si Rhian Ramos. Ang alam daw ni Max, mag-staycation lang sila sa Okada Manila, pero pagpasok niya, naka-set-up ito, with all her friends at may mga paandar pa. May Marina Summers din na inimbitahan. Naka-chat namin si Max at masayang-masaya nga raw siya. Sey niya, “My friends surprised me with intimate party at Okada, I was so happy that Marina Summers from Drag Race Philippines performed pa.” Sa ngayon, kung may birthday wish daw si Max, talaga ang gusto niya ay sana raw, magkaroon siya ng international project this year. Few months back nga, nag-audition din siya sa U.S. Pero ayon din kay Max, meron daw siyang exciting project na paparating, pero confidential pa. Pero goal niya ay makagawa pa ng maraming films at mas mag-grow as an artist. Ang asawa at matagal na nababalitang kesyo hiwalay na sila na si Pancho Magno ay nag-greet...

Rose, Debbie, Ava, Angela, Jela agawan sa ‘laman’ ni Wilbert

Image
Nakakaloka ang bagong movie ni Wilbert Ross na ‘5-In-1’ sa Vivamax, ha! Imagine, limang babae ang magsasalo sa kanyang ‘pagkalalake’. Laban-laban nga sina Debbie Garcia, Rose Van Ginkel, Ava Mendez, Angela Morena, Jela Cuenca sa kapirasong ‘laman’ ni Wilbert. Kasama rin sa ‘5-In-1’ sina Giselle Sanchez, Marissa Sanchez, Lassy Marquez, MC Muah, Chad Kinis, at mula sa direksiyon ni GB Sampedro. Isa nga itong sexy-comedy Vivamax Original Movie, na kwento ng isang binata na mayroong limang babae sa buhay niya. Gwapo, certified chick magnet, at successful businessman at CEO ng sikat na coffee brand na 5-in-1 coffee, na kay John “Dick” Jordi (Wilbert Ross) na ang lahat, at kaya niyang makuha ang kahit ano, pati na ang pagkakaroon ng limang girlfriend – sina Mia (Debbie Garcia), Lexie (Rose Van Ginkel), Maria (Ava Mendez), Riley Red (Angela Morena), at Lana Rose (Jela Cuenca). Pero sa likod ng inaakalang “perfect life” ni Dick, magiging mapaglaro ang tadhana dahil maaga itong babawian n...

BTS ‘Group of the Year’: Taylor, Harry humakot ng parangal sa VMAs

Image
Tig-tatlong tropeo ang iniuwi nina Taylor Swift at Harry Styles sa katatapos na MTV Video Music Awards 2022 nitong Linggo (Lunes ng umaga sa Pilipinas). Sa bakbakan naman para sa Group of the Year, ang BTS ang nagwagi at gumawa ng history as the most number of wins on that category sa VMAs with 4 wins. Bigo man na maagaw ang korona sa BTS, hindi naman luhaan ang mga Blinks dahil wagi pa rin ang Blackpink sa Best Metaverse Performance, at Best K-Pop para kay Lisa. Sina Nicki Minaj, LL Cool J, at Jack Harlow ang mga emcee ngayong taon. Tumanggap din si Minaj ng prestigious Michael Jackson Video Vanguard award. Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi. Video of the Year: Taylor Swift – “All Too Well” (10 Minute Version) (Taylor’s Version) Artist of the Year: Bad Bunny Song of the Year: Billie Eilish – “Happier Than Ever” Best New Artist: Dove Cameron Push Performance of the Year: December 2021: SEVENTEEN – “Rock With You” Best Collaboration: Lil Nas X, Jack Harlow – “INDU...

Andrew Schimmer kahanga-hanga ang katatagan

Image
Ang aking taos pusong paghingi ng paumanhin, kaugnay sa naisulat kong pangalan ng ospital dito sa aking kolum, tungkol sa kuwento ni Andrew Schimmer, at sa kanyang mahal na asawang si Jho. Ang aking pag-amin na nagkamali ako, na hindi po sa ‘The Medical City’ kundi sa ‘St. Luke’s Medical Center’ ang ospital kung saan naka-confine ang misis ng aktor. Samantala, sa dami ng mga natatanggap naming mga hate message, kaugnay sa nai-post ni Andrew sa kanyang Facebook account tungkol sa aming panulat dito sa Abante na may titulong “P6M UTANG SA OSPITAL: COCO UMAYUDA KAY ANDREW”, malinaw naman po sa teksto ng buong item na hindi si Coco Martin ang nagbayad ng buong bill. Walang nabanggit na “binayaran ng buo” o “binayaran” ni Coco ang bills ng misis ni Andrew. Ayaw na sana naming maglinaw, pero ang salitang “ayuda” ay “tulong” o ‘assistance’ at hindi bayad. Household name po ito sa loob ng dalawang taon, mula nang pumutok ang pandemya dulot ng COVID-19. Ang lahat ng nilalaman ng buong ite...

Britney, Elton tagumpay collab

Image
Na-drop na ang single na collaboration nina Britney Spears and Elton John na may titulong “Hold Me Closer.” Ito ang muling pagbabalik ni Britney sa recording studio pagkaraan ng anim na taon. Ang Hold Me Closer ay pinaghalong songs ni Elton na “Tiny Dancer” at “The One”. Agad na nag-number one ang single sa maraming bansa. Dahil deleted na ang Instagram account ni Britney, sa Twitter nagpadala ng video message ang singer para kay Elton para ipaalam ang success ng collab nila. Tweet ni Britney: “Hello Sir Elton John, We are like No. 1 in 40 countries. Holy Shit… and I’m about to have the best day ever and I hope you’re well.” Si Elton naman ang nagkaroon ng livestream sa Instagram para sa impromptu listening party sa isang restaurant sa Cannes para sa launch ng Hold Me Closer. Sa mga sumunod na tweets ni Britney, sinabi nito na pinili niya ang happiness kaya maayos ang takbo na ng buhay niya. “Okie dokie … my first song in 6 years!!!! It’s pretty damn cool that I’m singing with o...

Zoren tinotoo ‘pagbugbog’ kay Lianne

Image
Totoo raw ang mga sampal at pagtulak ni Zoren Legaspi kay Lianne Valentin sa isang matinding eksena nila sa top-rating afternoon teleserye ng GMA na Apoy Sa Langit. Kailangan daw kasi ng genuine reaction ni Lianne sa kanilang eksena kaya ilang beses daw silang nag-rehearse ng kanilang blockings para maging tama ang timing ng mga sampal at pagtulak sa kanya. “Yung eksenang binugbog ni Cesar si Stella, close sa pagiging totoo na ‘yun. Kahit na nag-rehearse kami, mas gusto ni Direk Laurice (Guillen) na natural ang dating at hindi technical o yung aral na aral namin ang mga galaw namin. Kaya noong mag-roll n ayung kamera, nandoon pa rin yung routine namin ni Zoren, pero may mga nadagdag para mas natural tingnan. Kaya yung mga sampal, totoo po siya! Eh ang laking tao pa naman ni Zoren kaya medyo maingat din siya sa akin. Nilabas ko lang lahat ng emotions ko sa eksenang iyon. Totoong mga luha iyon kasi nagsama-sama na ‘yung pag-arte at ‘yung naramdaman mong hirap sa pag-shoot ng eksena,” ...

Dedma na sa showbiz, alak: Ellen sa 2024 pabubuntis kay Derek

Image
After a long time, nakita ko ulit ng personal si Ellen Adarna Ramsay. At in fairness, ang positibo ng aura niya, ha! Gone are the days na parang palaging messy ang look niya. Ngayon, mas madalas siyang nakangiti, at ramdam mong masaya sa buhay niya. Kaya nga hindi kataka-taka na wala na talaga siyang planong bumalik sa showbiz. Pero, okey na okey sa kanya ang mga endorsement tulad ng Xmeal (Rana Pharmaceutical, Inc.), na multigrain & beans vanilla flavored drinks, with goodness of seaweed. So, kahit ano bang proyekto sa TV, wala talaga siyang planong bumalik? “I’m still here pa naman! I’m open to guesting naman. Pero ‘yung lock in na one month, even one week, hindi talaga. Full time teleserye, no! Hahahaha!” sabi ni Ellen. Eh, pelikula? “Siguro mas puwede pa!” sagot niya. So, wala talaga siyang nami-miss sa showbiz? “Honestly, no one will miss going home at 5:00am!” sagot niya. Pero, iba na raw ngayon, may mga cut off na sa taping, shooting? “Nag-try ako noong pandemic,...

Mariano pasiklab sa Stockholm Chess

Image
NAGPAPAKITA ng bangis si Woman International Master Cristine Rose Mariano ng ‘Pinas sa kasagsaagang Stockholm Open Chess Championships 2022 sa Sweden. Sumalo ang five-time Chess Olympiad veteran sa top spot at nakatatandang kapatid ni Grandmaster Nelson Mariano II, pagkagiba kay Swedish Birger Wenzel sa round three upang ilista ang perfect three points kasama ang tatlo pang woodpusher. Kasalo ng five-time national champion at dating top player ng bansa, Philippine Air Force at University of the East Lady Warriors, sa tuktok sina event top seed Grandmaster Jonathan Westerberg, Simon Marder at Dan Eriksson na pawang mga Swede rin. Dinemolis ng 49 na taong-gulang na Pinay na nakabase na sa Umeå, Sweden at estudyante ng Astar Culinary School sina Simon Swiss Ingleman-Sundberg sa first round at si Sture Lindberg na Suwiso rin sa second round ng torneo. Nakatoka kay Mariano sa fourth round si Eriksson. Isa sa mga pinakamalalakas na chess player ng bansa bago nanirahan sa Sweden, siya a...

4 na MSIKI squad sa Pacquiao chess

Image
MARAMI ang nakatutok sa ipaparadang team ni dating University of the East top player Mark Oliver Ingcad sa Sen. Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao Sr. Tuna Festival Chess Team Tournament sa Setyembre 2-4 sa Robinsons Place sa Gen. Santos City. May basbas ng National Chess Federation of the Philippines at mga susuportahan ng Extreme Gaming at Luminuex Glutathione Capsule, oorganisahin ito ni US chess master Rodolfo Panopio Jr. May apat na koponan ang MSI Konstruct, Inc. (MSIKI) kung saan si Ingcad din ang president at chief operating officer ng nasabing kompanya. Nasa MSIKI) Team A sina Ingcad, 1996 national junior champion National Master Robert Suelo Jr. at Reynald Gempero. Swak sa MSIKI Team B sina NM Eric Labog Jr., Melito Ocsan at Janmyl Tisado. Bubuo sa MSIKI-Koronadal Team sina Joselito Dormitorio at NM Ruel Filipinas habang kabilang sa MSIKI-Romblon Team sina NM Jasper Faeldonia, Lee Roi Palma at Neph Bantang na papadrinuhan din ni Engr. Ernie Fetisan Faeldonia. Naging 2004 CHED P...

Abante Front Page | Balita ngayong August 28, 2022

Image
from Abante https://ift.tt/qvsCYek via IFTTT

Jennifer, Ben nag-honeymoon sa Lake Como

Image
Nasa Italy ngayon ang newly-weds na sina Jennifer Lopez at Ben Affleck. Namataan sina Mr. and Mrs. Affleck na naglalakad sa streets of Milan at namimili sa ilang high-end boutique stores. Suot ni Jennifer ay white crop top with white jeans and platform heels with matching fedora hat. Si Ben naman ay suot ay blue long-sleeve shirt with white undershirt, jeans, white kicks, and shades. Pinagkaguluhan ng fans ang mag-asawa habang naglalakad sila at okey lang sa kanila na kunan sila ng photos. Nagtungo naman ang dalawa sa Lake Como kunsaan nagrenta sila ng isang speed boat. Pumunta sila sa gitna ng lake at sabay nilang hinintay ang paglubog ng araw Kinasal noong August 20 sina Jennifer at Ben sa 87-acre Georgia estate na pag-aari ng groom. Tatlong wedding gowns ang sinuot ni Jennifer throughout the wedding na lahat ay gawa ni Ralph Lauren. (Ruel Mendoza) The post Jennifer, Ben nag-honeymoon sa Lake Como first appeared on Abante . from Abante https://ift.tt/CxbAWSn via IFTTT

Sarado utak sa mga Marcos? Gina walang balak suportahan ang ‘Malacanang’

Image
Sobrang overwhelmed si Direk Gina Alajar sa role niya sa ‘Start Up PH’. Nag-enjoy siya ng sobra na napabilang daw siya sa cast, lalo at alam niyang marami ang nag-aabang nito. Ang dami nga niyang kuwento tungkol sa mga kasamahan niya. Hindi raw sila nagkakasama ng madalas sa set. Iba raw kasi ang location niya. Pero, kapag nagkikita raw sila, walang katapusang lokohan, kuwentuhan daw ang ginagawa nila. Wala raw pasaway sa cast, lalo na sina Alden Richards, Bea Alonzo, Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi, na puro professional at mahuhusay na artistaw nga raw. Ngayon din lang naranasan ni Direk Gina na dalawa ang direktor nila sa isang teleserye. Aminado siyang may mga sina-suggest siya na gawin para sa karakter niya. Pero, kadalasan daw ay hinahayaan talaga niya ang mga direktor sa mga diskarte ng mga ito, dahil nahihiya raw siya na maging atribida. Loveable naman si Direk Gina sa mga kapwa niya artista, direktor. Siyempre, tuwang-tuwa siya sa chemistry nina Alden, Bea. First time...

Enchong nagpa-yummy sa IG

Image
Kapag guwapo at confident ka sa looks, anumang hairstyle ng isang lalaki ay babagay sa’yo. ‘Yan nga ang pinatunayan ni Enchong Dee, na ngayon ay semi-kalbo. Nag-post si Enchong ng “new movie, new look” sa Instagram. Before and after nga ang naturang clip na mula sa buhok na messy ay nagpagupit siya ng semi-kalbo, naka-sunglasses at topless. Ang hot at yummy niya nga, kesehodang kalbo na siya! ‘Yan ang nagkakaisang komento ng kanyang mga follower at maging ng ilang celebrity gaya nina Ria Atayde, Kyle Echarri at Jerome Ponce. Nagbiro pa nga si Kyle na lalo silang naging magkahawig ni Enchong. “I always knew we were identical,” sabi ni Kyle. Na sinundutan pa ni Jerome na, “Looking great bro @kyleecharri.” Sumang-ayon din ang mga netizen na magkahawig nga ang dalawa. May pa-hashtag pa si Enchong na #TheFisher. Ito kaya ang title ng bago niyang project? Well, malalaman natin ‘yan sa mga susunod na updates ni Enchong. (Batuts Lopez) The post Enchong nagpa-yummy sa IG first app...

Eazacky, Gomezian patok sa 3YO Race

Image
MAGTATAGISAN ng bilis ang anim na batang kabayo kabilang sina Eazacky at Gomezian sa 2022 Philracom “3-Year-Old Sprint Race” na gaganapin sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ngayong araw. May distansyang 1,000 metro, maakakalaban nina Eazacky na pag-aari ni Ezel Besamis at pambato ni horse owner Alfredo Santos, at Gomezian, sina Club Kensai, Enigma Uno, Palauig at Roaring Kanyon. “Lahat ng kasali ay may mga angking galing kaya tiyak walang magsi-single bet diyan kapag gumawa ng winner take all,” saad ni Leopoldo Vicente, veteran karerista. Gagabayan ni jockey John Alvin Guce si Eazacky habang si class A rider Oneal Cortez ang gagabay kay Gomezian sa karerang nakalaan ang guaranteed prize na P1M na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta. Susungkitin ng owner ng mananalong kabayo ang P900,000 habang hahamigin ng second, third at fourth placers ang tig P337,500, P187,500 at P75,000 ayon sa pagkakahilera. Mag-uuwi rin ng P75,000 ang breeder ng winning horse, tig...

Abante Front Page | Balita ngayong August 27, 2022

Image
from Abante https://ift.tt/Lbx5ifq via IFTTT

Tatler Story bet ng mga karerista

Image
INAASAHANG ibubuhos ni Tatler Story ang lakas upang masilo ang panalo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na ilalarga sa Metro Turf sa Tanauan City, Batangas. Posibleng magdomina sa bentahan si Tatler Story dahil pinapatok siya ng mga karera tipster sa programa. May distansiyang 1,200 metro, rerendahan ni star jockey Jeffril Zarate si Tatler Story kung saan makakatagisan nila ng bilis sina Himanshi, Winning Shot, Agaron at Headstrong. Nakalaan ang added prize na P10,000 sa owner ng mananalong 3-year-old horse sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon. Samantala, pitong races ang pakakawalan ngayong araw ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI), magsisimula ang karera alas-5 ng hapon. (Elech Dawa) The post Tatler Story bet ng mga karerista first appeared on Abante . from Abante https://ift.tt/9wdecHR via IFTTT

Karera Tips Ni JP Gonzales

Image
Agosto 27, 2022/ Sabado, Metro Manila Turf Club – Tanauan City, Batangas Race 01 – 1 Tatler Story, 2 Himanshi, 4 Agaron Race 02 – 5 Matikas, 2 Sir William, 6 Full Combat Order, 4 Top Czar Race 03 – 7 Union Run, 5 Can You Giub, 1 Red White And Blue, 3 Batang Madrid Race 04 – 3 Humidor, 7 Seven Of Diamonds, 4 Wild Act, 1 Baling Rikit Race 05 – 1 Boodle Fight, 3 Tontoneeto, 2 Sweet Luck, 6 Rafa Race 06 – 4 Matinloc Island, 3 My Dear Magnolia, 2 Achi Holly, 6 Marino Ng Tanglaw Race 07 – 2 Manlot Island, 1 Dollorama, 6 Goldbar, 8 Ashea’s Will The post Karera Tips Ni JP Gonzales first appeared on Abante . from Abante https://ift.tt/6m1sMht via IFTTT

Insurance para sa mga alagang hayop

Image
“Tao lang po ba ang pwedeng magkaroon ng insurance? May alaga po kasi akong dog, si Snowball, isang Shih Tzu. Cute siya at makulit; tumatakbo kung saan-saan. Pwede rin po bang magkaroon ng insurance si Snowball?” – Queen Dear Queen, Pwedeng-pwede magkaroon ng insurance si Snowball. Kung may life insurance para sa mga tao, may pet insurance naman para sa mga cute na alaga natin. Maraming klase (o “coverage”) ang pet insurance. Kunwari, may coverage ng pet insurance kung saan maisasauli sa pet owner ang gastos niya sa pagpapagamot kung sakaling magkasakit ang alaga niya. May coverage naman kung saan mababayaran ang pet owner kung sakaling magpunta na ang alaga niya sa langit. Hindi mo kailangan mag-alala kung masisira budget mo buwan-buwan. Alam mo, Queen, may kaibigan akong pet owner din. Pusa naman alaga niya na makulit din. Naging matamlay ang pet cat niya dati kasi nagka-impeksiyon ito. Kinailangan niya itong ipagamot, at sobrang laki ng nagastos niya. Mas mahal pa raw nagastos ...

Abante Front Page | Balita ngayong August 26, 2022

Image
from Abante https://ift.tt/sOrX9BS via IFTTT

Alden, DongYan, Heart dapat magbawas ng TF

Image
May pakiusap si ‘Nay Lolit Solis, isa sa mga kilalang manager at beteranang manunulat sa ilang sikat na artista sa ngayon. Nag-mention siya ng mga artista na sana raw, makipagtulungan sa mga producer, pumayag na mag-adjust sa kanilang mga talent fee. Meaning, pumayag ang mga ito na bawasan ang tf nila, para naman daw makagawa ng mga pelikula pa ang mga producer. Ilan sa mga artistang binanggit niya ay sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards, Heart Evangelista, Gerald Anderson. Ayon sa kanyang Instagram post, “Sana magtulungan malalaking star gaya nina Dingdong Dantes, Alden Richards, Marian Rivera, Heart Evangelista, Gerald Anderson, para makagawa ng more movies ngayon. Iyon bang pumayag sila sa adjusted TF para magkaruon ng lakas ng loob ang mga small time producers na maglagay ng pera sa showbiz. “Malaking bagay din kasi iyon malaking TF kaya natatakot mga producer. Hindi mo nga naman alam kung papatok, kaya medyo ilag ka gumawa at maglagay puhunan. Pero kung malama...

Johann sinargo Singaporean bet

Image
Puntirya ni Pinoy cue artist Johann “Bubwit” Chua na tumbukin ang pangatlong sunond na panalo upang manatiling walang dungis sa 2022 APF Asian 9-Ball Open na nilalaro sa Aspire Recreation Centre sa Singapore. Makakalaban ni Chua si Hayato Hijikata ng Japan kung saan ang mananalo ay sisikwat ng outright sa knockout phase sa first-year tournament na may basbas ng Asian Pool Federation. Umiskor si Chua ng malaking upset win matapos payukuin si hometown bet Aloysius Yapp, 9-3, nitong Miyerkoles ng gabi, ang unang araw ng tournament. Laglag sa losers’ bracket ang isa sa top Asian player na si Yapp. Unang kinalos ni Chua si Trung Tri Tran ng Vietnam, 9-3, kaya nakaharap nito si Yapp sa sumunod na round. Puro din sa susunod na phase si former world champion Carlo Biado matapos nitong pagpagin si Arun ng Indonesia, 9-2, sunod niyang makakaalaban si Luong Duc Thien ng Vietnam. Nanatili rin sa winners’ bracket si Jeff “The Bull” De Luna matapos kalusin si Kwek Kia Rui ng Singapore, 9-2. ...

Alay sa 125th kalayaan ng Pinas: Bea, Danny Trejo US film sa June 2023 ipalalabas

Image
Ang bilis matapos ng shooting ng ‘1521’ na kinunan sa Palawan, na ang isa sa mga bida ay si Bea Alonzo, pati na ang Hollywood actor na si Danny Trejo, at dinirek ni Michael Copon, at prodyus ni Francis Lara Ho. Heto nga ang Instagram post ni Mr. Francis Lara Ho, na kung saan ay pinasalamatan na nga niya ang mga katrabaho: “Mga Kababayans, we did it! “After 3 long years of dreaming with tears and persevering with prayers, against ALL odds, despite the constant attacks from doubters, bashers, naysayers, and discouragers, we made history! Our Filipino dream, finally came true! Our God-given vision fulfilled! Nothing, absolutely no one is stronger than the Spirit-inspired heart of champions!!! “It’s a epic wrap for our history-making #1521movie! Glory to God! Honor to the Filipino worldwide! Karangalan Ng Lahing Kayumanggi! “Forever Grateful to our world class director Michael Copon, to our absolutely amazing Hollywood Stars (amongst them the legendary, iconic Danny Trejo “Machete tu...

‘2 buwan na nga’ AJ Raval kinantiyawan sa pagbubuntis

Image
Grabe ang reaksiyon ng media, mga bisita, na nanood sa special preview ng ‘Sitio Diablo’ na dinirek ni Roman Perez, Jr. at pinagbibidahan nina AJ Raval, Kiko Estrada. “Dalawang buwan na akong hindi dinadatnan!” sabi ni AJ, at napasigaw nga ang mga tao sa sinehan na, ‘Buntis nga!’ sabay tawanan ang lahat. Yes, buntis nga ng dalawang buwan ang karakter ni AJ sa ‘Sitio Diablo’ na naging tuksuhan sa sinehan. Pero, in real life, lumantad nga si AJ, na bagamat balot na balot sa suot niya, mukha namang hindi malaki ang kanyang tiyan. At sa chikahan sa kanya, harap-harapan naman niyang sinasabi na hindi nga siya buntis. At kahit ang tatay niyang si Jeric Raval na dumalo rin sa private screening, nagsabing hindi buntis ang kanyang anak. Kasama rin ni Jeric ang tatlo pa niyang anak na lalake sa private screening, na sa totoo lang ay puwedeng-puwede talagang magsipag-artista dahil puro guwapo at matatangkad, ha! Manang-mana nga kay Jeric. At sabi ni AJ, pabor siya na mag-artista ang mga ka...